DYNATHY POVTama nga ako, kaya pala pamilyar ang pakiramdam sa tuwing nakikita ko si Aulds yun pala ay parte siya ng nakaraan ko.
Unti-unting bumalik ang ala-ala ko mula sa nakaraan habang pinapanood si Aulds at Moonabyss na magkaharap sa ilalim ng lilim ng puno, kung saan noon ako ay pinatay ng mismong mahal ko.
Yes.
Aulds is my fiancee back then.
I cheated too like Moonabyss.
Nakakatawa lang na sa dami ng nangyari sa loob ng limang araw at sa dami ng pagkakapareho namin ni Moonabyss ay may pinagkaiba din pala kami.
Si Aulds na nais siyang patayin ay wala para kay Moonabyss, para kay Moonabyss si Aulds ay isa lamang estranghero na pangalan lamang ang alam niya, pero para sa akin si Aulds ay hindi lamang kakilala ko ngayon kundi ay kasintahan ko noon at yun ay ang pinakamasakit.
Ang kasintahan ko mismo ang pumatay sa akin kaya ganun nalang siguro ako ka desperada na makakuha ng hustisya sa pagkamatay ko pero narealize ko na hindi pala hustisya ang kailangan ko.
Ang kailangan ko ay kapatawaran ni Aulds....
Ang lalaking mahal ko.
Nung inagaw ko ang atensyon niya ay nalilito niya akong tiningnan, sino bang hindi malilito kung makita mo na ang kaharap mo ay unti unting nagiging abo?
Pero hindi iyon ang hustong umagaw ng atensyon ko yun ay ang makita ang emosyon na nasa mata niya. Nalilito man ay panay ang patak ng luha niya at alam ko kung bakit.Hindi man niya maalala ang nakaraan namin alam kong kilala ako ng puso niya dahil ako ang kauna-unahang babaeng minahal niya.
Ang kauna-unahang babaeng mahal niya na kauna-unahan ding nanakit sa kaniya.
Mapait akong napangiti at lumuhod sa harapan niyang upang pantayan siya.
Unti-unti kong inilapit ang aking labi at inilapat sa kaniyang labi, sa loob-loob ko ay nagagalak ako na nasasaktan.
Nagagalak ako dahil gaya nga ng sabi ko hindi man niya ako kilala bilang kasintahan niya sa kasalukuyan, kilala ako ng puso niya bilang babaeng mahal niya nung nakaraan at nasasaktan ako dahil nakikita ko ang sakit at lito sa mga mata niya. Lito dahil hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya sa pangyayaring nakikita at nararanasan niya nang hindi niya alam kung anong dahilan.
Patawad mahal, sana maramdaman mo na sinsero ako sa mga sinasabi ko ngayon sa isip ko. Humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko at kung bakit mo nagawa ang karumal-dumal na krimen na iyon na hanggang sa panibagong buhay mo ay nagawa mo.
Alam kong hindi tama ang humingi ng tawad lalo na at hindi mo na maalala ang kasalanan na aking nagawa sa ating nakaraan pero masaya na ako sa paraang hinayaan mo akong hagkan ka muli at napatunayan na hanggang ngayon ako pa rin ang laman ng iyong puso.
Ang isip mong kinalimutan ako pero ang puso mo na nanatiling hindi kinalimutan kung ano ako sa iyo.
Hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko, Aulds.
![](https://img.wattpad.com/cover/248946489-288-k34510.jpg)
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Mystery / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...