PL 15

128 13 8
                                    

LAST DAY STARTED (MAY 14)

MOONABYSS POV

Today hits different. Pumasok kami nang tahimik at pareho ang iniisip. Hindi kami gaya nung mga nakaraan na nagmamadali kami pumasok.

Nung mga nakaraan ay nakakangiti pa kami at nakakapag-asaran pero ngayon....

Tahimik lang kami dahil nangingibabaw ang kaba at takot.

Kilala na namin kung sino.

"Girl nag-away ba kayo ni Dyna?" Nagulat nalang ako na ang lapit na ng mukha ni Ferdinand sa akin, nasa harap ko pala sila ni Jihyo at talagang kinuha nila yung upuan para lang ilagay sa harap ko at doon sila maupo.

Nakapabilog kami nina Dynathy, Jihyo, Ferdinand at Ako.

Nagkatinginan kami ni Dynathy dahil sa tanong ni Ferdinand.

Pareho kaming umiling ni Dynathy.

"Oh eh bakit ang tahimik niyong dalawa?" Tanong ni Jihyo.

"Baka tinotoyo si Reyna Moonabyss" biro ni Ferdinand kaya natawa si Jihyo habang kami ni Dyna ay napangiti lang.

"Andyan na si Nick" biglang sabi ni Jihyo kaya bumalik sila sa dati nilang upuan.

"Okay class let's start" biglang anunsyo ni Nick. Kung naaalala niyo siya yung student teacher namin.

This is it. I need to wait hanggang sa kalagitnaan ng klase because I need to go at dapat matiyempuhan ko si Greytel sa hallway.

Kailangan ay masunod ko kung ano man ang mangyayari hanggang mamayang gabi.

Sa kalagitnaan ng klase ay nagtaas ako ng kamay.

Gaya ng nangyari bago ako namatay pinalabas ako ni Nick at naglakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Greytel at binigay niya sa akin ang invitation para sa party.

Meron pa kung saan ay dapat bababa ako para makakasalubong ko si Spine pero sa huli ay dapat aatras ako at babalik sa room but this time, hindi ako bumaba. Ayokong makita siya.

Ilang minuto lang ako nagpalakad lakad sa hallway nitong floor. At bumalik ako sa room gaya ng nangyari ay dismissed na ang klase. Inantay ko nalang si Dyna na lumabas ng room.

"Nagawa mo?" Tanong sa akin ni Dyna, tumango ako at itinaas ang invitation.

"Got it" sagot ko at muling ibinalik ang invitation sa shoulder bag ko.

Sinabi ko lahat kay Dyna ang mga dapat mangyari ngayon.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong niya sa akin at iniangkla ang kamay sa braso ko.

Napaisip ako, sa pagkakaalala ko matapos ng klase ay dumiretso ako sa Airmall para mamili ng gamit na gagamitin sa party.

"Kahapon is our birthday Dyna" sabi ko sa kaniya, ngumiti naman siya.

"Oo alam ko pero hindi man lang tayo nakagawa ng selebrasyon" Sabi ni Dynathy Kaya nabuntong hininga ako ng malalim.

Sinilip ko ang loob ng room nandoon pa si Jihyo at Ferdinand inaayos ang gamit nila.

"Jihyo! Ferdinand!" Tawag ko sa kanilang dalawa, pareho naman silang lumingon.

"Bakit teh?" Tanong ni Ferdinand at sinuot ang bag, inantay pa niya si Jihyo bago siya lumapit sa amin ni Dyna.

"May nakalimutan ka ba?" Tanong ko sa kaniya, kumunot naman ang noo niya,

"Parang wala naman" Sabi niya kaya napataas ako ng kilay.

"Ikaw Jihyo baka may naaalala ka?" Baling ko kay Jihyo, napakamot naman ito ng ulo.

"Mga fake friends birthday namin ni Dyna kahapon!" Kunwaring galit na sabi ko at nagpanggap na nagtampo, tinalikuran ko yung dalawa na gulat pa din.

PARALLEL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon