PL 1

227 14 2
                                    

MAY 14 2020 /// 5:30 pm

MOONABYSS POV

Math ang huling subject na itinuturo ng aming professor kaya ganun na lang ang pagka-boring ko dahil wala akong maintindihan na kahit ano.

"Anyone who can solve this?" Tanong nito sa harapan habang hawak ang itim na pentel pen at inaayos ang salamin na may grado. Nagtaas ako ng kamay hindi para sumagot kundi para....

"Sir may I go out?" Nakangiting tanong ko napatingin naman sa akin ang kapwa ko mag-aaral at napapailing.

"Ms.Winteria siguro naman ay alam mo na nagtuturo ako dito sa harapan tama?" Nauubos ang pasensyang tanong nito ngumiti naman ako at tumango.

"Ofcourse sir i know" sagot ko napatampal si Nick, student teacher namin for a month dahil nasa sick leave ang professor namin at itinuro ang pinto.

"Get out Miss Winteria bago pa mandilim ang paningin ko sayo" nakukunsyomisyon na ani nito tumayo naman ako at isinukbit ang bag ko. Kekembot kembot pa akong naglakad sa gitna hanggang makarating sa harapan.

"Thank you sir babalik na lang ako" nakangiting paalam ko rito.

"Kahit wag ka nang bumalik dito Ms.Winteria okay lang" aniya nito na ikinatawa ng buong klase, sinamaan ko naman sila ng tingin at sininghalan si Professor Nick.

"Pasalamat ka pogi ka kung hindi kanina pa kita sinapatos dyan" nakangiti ngunit inis na bulong ko upang hindi mahalata na napahiya ako sa harapan. Lumapit ako sa pinto at binuksan yon paglabas ko ay balibag kong isinara ang pinto na lumikha ng malakas na ingay nakita ko pa na napailing si Nick.

I'm Moonabyss Winteria 18 yrs old, and that guy Nick is 21yrs.old ang bata bata niya pa he's a type of nerd person, sa totoo lang ay hot at maskulado ang mokong na yon sadyang hindi lang marunong mag-ayos.

Habang naglalakad sa gitna ng hallway ay nakasalubong ko si Greytel.

"Here invitation, Punta ka sa party ko mamayang 10:00 okay lang ba sayo?" Tanong nito sa akin ngumiti naman ako.

"Of course ikaw pa ba" tugon ko at nakipagbesohan, nagsimula akong magpatuloy maglakad habang binubuksan ang invitation.

Greytel Night Party

Date: May 14 2020

Time: 10pm

Where: San Jose Bar

Ay wow mapera si gaga, ang bar na san Jose ay isa sa mga kilalang bar sa mundo at talagang mga kilalang tao lang ang nakakaranas mapunta doon dahil itinayo pa daw ito 400 years ago naging kilala rin daw ito dahil sa history ng lugar.

Bakit ko pa aalamin yung history eh hindi naman ako interesado?

Bababa na sana akong hagdan ng makita ko si Spine, parang biglang naghysterical ang katawan ko at mabilis na bumalik sa room.

Pagdating ko lahat sila ay napatingin ang karamihan pa sa kanila ay nagsusuot na ng bag.

"Uwian na?" Tanong ko humarap si Nick at inayos ang suot na salamin.

"Yes kaya kita pinalabas tutal patapos naman na ang klase" tugon nito.

Napakamot naman ako ng ulo at gumilid sa daan nang magsilabasan ang lahat, humalo ako para hindi makita o makasalubong si Spine.

Hindi pa ako handa harapin siya.

Nang makalabas sa Flintcher University ay napag-isipan ko na dumaan sa mall para bumili ng bagong dress, syempre party iyon at talagang panigurado ako pagandahan at pamahalan ng suot kaya hindi ako papatalo.

PARALLEL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon