PL 2

191 14 0
                                    

MOONABYSS POV

I just woke up sa likod ng mga taong nagkukumpulan and yes no one bothered to help me. Dahan-dahan akong tumayo malakas ang pagkakahampas ng isang bagay sa ulo kaya nakakapagtakang wala akong nararamdaman na sakit.

Letse kung sino ka man na humampas sa akin siguraduhin mong maganda dahilan mo kung bakit mo ginawa yon dahil kapag hindi ko nagustuhan magiging rason mo ako mismo papalo ng triple sayo.

Pinagpagan ko ang sarili ko at nilibot ang paningin karamihan sa mga nagkukumpulan ay ang mga bisita ni Greytel na mga nag-aaral sa university na pinapasukan ko.

"Excuse me what's happening there?" Tanong ko pero nanatiling nakikipag-usap ang babaeng tinatanong ko. "Hey girl I'm asking you" muling agaw ko sa pansin pero nanatili pa rin siyang nakikipag-usap.

Whatever. Kala mo kinaganda niya pagiging isnabera.

"Ano bang nangyayari oh bakit may police dito?" Tanong ko ng may mga police na nagsidatingan.

Bakit ba parang hangin ako at walang gustong sumagot sa mga tanong ko.

Unti-unting nasagot ang katanungan ko ng marinig ko ang usapan ng dalawang kasing edad ko ang isa sa kanila ay nakasuot ng dilaw na dress at ang isa ay naka-asul.

'Grabe ayoko nang tingnan nakakaawa'

'Kaya nga eh grabe yung gumawa hindi man lang naawa'

'Jusko ibaba na nila yan sa puno nakakaawa na'

Nagtataka man ay unti-unti akong tumingala at halos manghina ang dalawang tuhod ko ng makita ang kanilang tinutukoy.

Nakakadiri,Nakakasuka,Nakakaawa.

Sinong tao naman ang kayang gumawa ng ganyan?!

Nakakabaliktad ng sikmura ang view na nakikita ko isang babae tinalian ng kadena patiwarik sa puno, nakaitim ito ng suot na ngayon ay sira sira na , ang mukha ay hindi makita dahil sa buhok na tumatabon pero kapansin pansin ang ulo na basag-basag. Ang katawan nito ay tadtad ng sugat o saksak dahil halos lumambitin ang mga laman loob onting-onti na lang ay malalaglag na sa sahig ang mga yon, pero ang bagay na umagaw pansin sa akin ay ang dalawang mata na tinuhog sa isang sanga na parang ginawang fishball.

Gusto ko man tumakbo at ilayo ang sarili ko dito sa lugar na kinatatayuan ko ay hindi ko magawa para akong nakapako at naninigas dito ni hindi ko magalaw ang tuhod ko na nanginginig sa sobrang takot,awa at kaba na nararamdaman ko.

'Nakikilala niyo ba kung sino iyan?'

Napatingin ako sa police nang tanungin niya si Greytel na ilang dipa lang ang layo sa akin na ngayon ay umiiyak, ilang beses itong tumango habang sinusubsob ang mukha sa kaniyang dalawang palad.

'Y-Yes she's one of my guest h-her name is Abyss, Moonabyss Winteria' sagot niya.

W-What? Is she crazy.

"Hey excuse me! I'm here ano b--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may isang police na lumapit kina Greytel may bitbit itong plastic kung saan nakalagay ang....

Kwintas ko.

"N-No h-hindi yan totoo" nanginginig na bulong ko at nanginginig na napa-atras.

Paanong nakuha nila yan dyan sa taong nakasabit eh ito ako nakatayo at buhay na buhay.

"Hey officer mali ang sinasabi ni Greytel" singit ko pero nanatili itong nakafocus sa hawak niyang papel at ballpen. "Hey sir liste--- W-What the hell" naiiyak na ani ko nang tapikin ko ang officer pero tumagos lang ang kamay ko.

PARALLEL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon