PL 13

125 13 8
                                    


MOONABYS POV

Wala sa sarili lang akong bumalik sa room, wala na rin ang katawan ni Kenedy nang mapadaan ako kung saan siya nakabulagta. Sa ngayon ay may mga police at reporter na sa labas ng room, binalutan na rin ng crime scene tape ang parte na iyon.

"Moonabys! Saan ka ba galing?" Salubong na tanong sa akin ni Ferds at sa tabi niya ay si Jihyo na hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin ako,

"Dyan lang sa labas" sagot ko at pumunta na sa upuan.

Hindi ko pa rin maiproseso ang sagutan na nangyari sa pagitan namin ni Dynathy at Aulds. Kahit sino ay aakalain na merong laman ang mga kilos ni Aulds. Isipin mo ay makikita mo siya mula sa malayo at pinapanood yung nangyayaring gulo dahil merong krimen, idagdag pa na nakita ko ang dugo sa polo niya talagang iisipin ng kahit sino na may kinalaman siya.

Hindi ko naman kasi alam na yung dugo pala na iyon ay galing sa mismong katawan niya.

"A-Ano Moonabyss nasaan si Dyna?" Tanong sa akin ni Ferds nang makaupo ako.

"She followed Aulds" sagot ko.

"Ah eh ganun ba, safe naman siguro siya kay Aulds noh? Sa ngayon wag muna tayo lumabas nang mag-isa dahil baka kung mapano tayo kung maaari ay sabay sabay na tayo" sabi ni Ferds habang nakatayo sa harap namin ni Jihyo.

"Okay lang naman sa akin ewan ko lang kay Aby" biglang sabi ni Jihyo.

"Okay lang sa akin" Sabi ko.

'Guys who do you think killed Ken?'

'I don't know but I have a suspect'

'Wait what really? Who?'

'Spine... Aby's ex boyfriend'

Napalingon ako sa nag-uusap.

Anong ibig sabihin nila? Bakit nasabit si Spine?

"Excuse me what do you mean about Spine?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanilang tatlo, nagkatinginan naman sila.

"You don't know?" Tanong ni Clara ang nasa gitna nila.

"Yes, that's why I'm asking you three are accusing him" sabi ko sa kanila.

"You can't blame us Aby why we suspected him, Do you know ba na nag-away si Ken at ang ex mo sa labas ng Flintcher?" Singit naman ni Joy kaya muli akong napakunot ng noo.

"What do you mean by that" tanong ko.

Nag-away si Kenedy at Spine?

"We don't know maybe try ask your ex basta we saw them punching each other at labas, we heard Spine pa nga cursing at Ken telling him to die na" sabi ni Yvonne kaa napatayo na ako at napahampas sa arm chair.

"Shut up!" Sigaw ko na nakaagaw ng pansin ng buong klase, hinawakan naman ako ni Ferdinand at Jihyo sa braso para pigilan.

"Why you're so affected ba ah? Diba you and Spine broke up already? At nilalandi mo na si Zee? Stop acting as if you care kay Spine where in fact you only want his attention para mainggit kaming girls na naghahabol kay Spine" dagdag pa ni Yvonne habang iniikot ang dulo ng buhok at nakapamdekwatrong pambabae na nakaupo.

Muli ko siyang susugurin sana nang pigilan ako muli ni Ferdinand at Jihyo.

"Aby tama na!" Awat sa akin ni Ferdinand

"Yvonne tumigil ka na kasi!" Saway naman ni Jihyo, inirapan lang siya ni Yvonne.

"Tara na nga" Yaya ni Yvonne kay Joy at Clara sabay martsa palabas. Nang makalabas ay sinenyasan ko na sina Ferdinand at Jihyo na bitawan ako. Naupo ako at balibag na inihagis ang bag ko.

Hinihingal ako dahil sa galit at lito.

Gulong gulo na ko sa nangyayari bukas ay huling araw na namin pero hanggang ngayon wala pa rin akong hawak na kahit na anong bagay na makakapagturo sa akin kung sino ang salarin sa pagpatay sa amin.

Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Prof.Emilia

"The class is dismissed everyone you can go home now. Again reminder don't go anywhere, diretso agad sa mga bahay maliwanag? Hangga't maaari stick to each other sa mga kaibigan niyo, alam niyo na malawak ang Flintcher. Ang salarin ay hindi pa nahuhuli kaya mag-ingat. Okay labas na" paalala ni Prof.Emilia at pinalabas na kami.

Nauna na akong lumabas narinig ko pa sina Jihyo at Ferdinand na tinatawag ako pero hindi ko na sila nilingon.

I need to find Spine, we need to talk about what happened between the two of them.

Nasa fourth floor ang room namin habang ang room nila Spine ay nasa 6th floor kaya umakyat pa ako pagdating ko sa floor nila ay natanaw ko na si Spine na naglalakad sa hallway diretso lang ang tingin niya, samantalang ang mga tao sa paligid niya ay binibigyan siya ng daan at pinagbubulong-bulungan.

Napabuntong hininga muna ako ng malalim bago naglakad papalapit sa kaniya, nagulat pa nga siya ng may biglang humawak sa kamay niya. Hinatak ko siya upang sumunod pero nanatili lang siyang nakatayo.

"What do you think you're doing?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"We need to talk" sabi ko sa kaniya at tiningnan siya sa mata, umiiwas naman siya at inalis ang kamay niya na hawak-hawak ko.

"Why? Iniisip mo din ba na ako ang gumawa kay Kenedy non?" Tanong niya ta mapait na pekeng tumawa.

His eyes. Is full of fear and it's begging.

"No Spine..... I didn't...... just tell me what happened between you and Ken and we will solve this together" sabi ko sa kaniya at ngumiti dahan dahan na pumatak ang luha sa mata niya at walang sabi-sabing niyakap ako.

Niyakap niya ko despite of eyes that is staring on us.

[THIRD PERSON POV]

Sa ibabaw ng napakagandang paraiso ay sabay sabay na pinanonood ng tatlong kambal ang mga nangyayari sa mission na kanilang iniatas sa dalawang dalaga.

"Anong gagawin natin? Nabago nila ang nakatakdang dapat mangyari" Tanong ng reyna ng kabuhayan si Herrun.

"Na kay Tiara ang sagot Herrun siya ang magdedesisyon sa kung anong dapat gawin" tugon ni Seira ang Reyna ng kamatayan.

Patuloy na pinanood ni Tiara ang pagyayakapan ng dalawang magkasintahan sa ginawang salamin ni Herrun.

"Alam niyo ang maaaring kahahantungan ng dalawa kung patuloy na mababago ang nakatakdang mangyari" tugon ni Tiara.

"Pero kung makikialam tayo ay labag iyon sa batas Tiara" Sabi naman ni Herun pero ngumiti si Tiara.

"They deserve to be happy Herrun, I'm ready to take the risk even it may cost my life as a queen of both side. You know my past life .... I didn't get what kind of life I wanted so let me do that kind of life I want to others" nakangiti na sabi ni Tiara at tinalikuran na ang salamin, ang kamay nito ay nakalagay sa likuran at tumingala sa napakagandang puno.

Nagkatinginan si Seira at Herrun.

Ngayon oras naman nila na bumawi sa lahat ng sakripisyo na ibinigay sa kanila ni Tiara. Lalabagin nila ang nasa batas, mangingialam sila sa mission ng dalawang dalaga, hindi para matupad ang hiling ni Tiara.

Sabay na ikinumpas ni Seira at Herrun ang kamay, lumabas sa kamay ni Herrun ang kulay puting makinang na usok at kulay itim na makinang naman ang kay Seira. Naghalo ito sa hangin hanggang sa pumasok ito sa loob ng salamin dahilan ng pagkabasag non.

PARALLEL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon