MOONABYSS POV
Napapikit na lang ako dahil sa sobrang liwanag na parang tumatagos pa sa talukap ng mata hanggang sa mapansin kong nabawasan na ay napadilat ako.
"Paanong napunta tayo dito sa ibabaw ng burol?" Tanong ni Dynathy.
Oo, pagdilat ko ay nasa taas na kami ng burol sa ilaim ng malaking puno.
"Hindi ba ikaw ang gumawa nito?" Tanong ko sakanya pero umiling siya.
"Hindi ako at tsaka yun lang ang kaya kong balikan" tugon niya.
Nakakarelax ang view dito sa taas wala kang makikitang kahit na anong mga building o bahay puro puno lang at mga ibon, paro-paro at mga magagandang bulaklak.
"Baka patay na tayo at dito tayo mapupunta" simpleng sabi ko sakanya pero nanlalaking mata naman na tumingin siya sa akin.
"Hindi pwede! Gusto ko pang makamit ang hustisya na dapat ko makamit" tugon niya na at napaluhod sa damuhan, umupo ako at tinapik siya sa likod.
"Matagal ka nang patay Dynathy, 1666 malamang ay patay na din yung taong gumawa sayo" pag-aalo ko.
"Hindi mo ko naiintindihan" tugon niya napakamot naman ako ng ulo.
"Paano kita maiintindihan eh magkaiba este tama oo magkaiba tayo ng generation" muling sabi ko sakanya.
"Tanggap mo ba na mamamatay ka din ng walang hustisya gaya ko?" Sabi niya at tumingin pa sa akin, doon ako natahimik.
Nabuhay ako kapareha ng araw na nabuhay siya, namatay ako sa edad kapareho niya, namatay ako sa araw at paraan kapareho niya malamang hindi ko din makukuha ang hustisya gaya niya.
"May magagawa pa ba tayo? 300 years na ang lumipas pero wala ka ding nagawa tama?" Sabi ko na ikinalungkot niya.
Kahit anong gawin naman wala nang mangyayari.
Sa totoo lang oo mag-isa na lang ako sa buhay at ayoko pang mamatay pero gaya nga ng sinabi ko may magagawa pa ba ako kung oras ko na talaga?
"Meron pa kayong magagawa"
Napalingon kami ni Dynathy sa likuran kung saan nanggaling ang boses, napatayo ako ng makitang pamilyar ang mukha ng matandang nakatayo na ngayon sa harapan namin.
Nakasuot siya ng kulay puting gown hindi siya mukhang ikakasal dahil mukha siyang dyosa, merong crystal na nakadikit sa noo at sa gilid ng mata ang buhok niya ay nakabun na merong puting bulaklak.
"Pamilyar ba ako sayo iha?" Baling nito sa akin, napakunot noo naman ako at tinitigan siya ng maigi, nanlaki naman ang mata ko at dinuro siya.
"I-Ikaw yung ... MANANG NA BALIW!" malakas na sigaw ko at nagtago sa likutan ni Dynathy.
"Sino siya?" Bulong ni Dynathy.
"Baliw yang matandang yan Dynathy sinasabi ko sayo" tugon ko sa kanya.
Napatingin naman kami ni Dynathy sa matanda nang natataawa at naiiling itong lumapit.
"Hindi ako baliw iha" ani nito, umalis ako sa likuran ni Dynathy at tinaasan siya ng kilay.
"Kung hindi eh bakit tinakot mo ko sa daan nung nakita kita?" Tanong ko.
"Hindi ako ang nakita mo" sagot niya .
"Anong hindi ikaw eh ikaw yon, madungis lang pero ngayon hindi na echoserang toh" tugon ko.
"Ako ba ang tinutukoy mo iha?"
Napakislot ako sa gulat nang merong tumapik sa braso ko.
"T-Teka kambal kayo?" Gulat na tanong ko nang may lumitaw na nakakulay black and white na gown ang matandang lumitaw.

BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
غموض / إثارةTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...