MOONABYSS POV
Napahinto ako literal nung bumukas ang pinto ng bahay namin at bumungad sa akin ang dalawang tao.
"M-Mom, D-Dad....." pagtawag ko sa pangalan nila ang luha ko ay panay na ang pag-agos.
How???
Paano nandito sila sa harapan ko?
"Oh my God Moonabyss anak! Saan ka ba nanggaling jusmeyo alalang-alala kami sa iyo" si Mom na agad na lumapit sa akin at yumakap sabay inakay ako papasok sa loob.
"Ano ba ang naisip mong bata ka at umalis ka ng hospital" si Dad na nasa harapan ko ngayon habang nakasapo sa noo at nag-aalalang nakatingin sa akin.
Nalilito ako, hindi ko alam kung bakit ito nangyayari.
"Anak are you okay?" Nag-aalalang sabi ni Mom pinaupo niya ako sa sofa at yinakap.
"M-Mom I miss you" garalgal na saad ko, yumakap ako sa kaniya at doon humagulgol sa bisig niya.
Wala na akong pake kung ano ang dahilan kung bakit sila narito ngayon sa tabi ko ang mahalaga ay narito sila ngayon.
I miss them so much.
Umupo si Dad sa tabi ko at yinakap din ako, ramdam ko ang kalituan nila kung bakit ako umiiyak sa harapan nila ngayon.
"Hey is there any problem honey? Why are you crying?" Maamong tanong ni Mom na lalong nagpahagulgol sa akin.
God. I miss her voice so much sa lahat ng boses, ang boses ni Mom ang pinakalaborito ko ang mga boses niya ang tanging boses na nakakapagpakalma sa akin.
"Nandyan na ba si Ate?!"
Napatingala ako at lumingon sa likuran. There I saw my younger brother na nagmamadali bumaba habang nagsususot ng puting t-shirt na nakapagpangiti sa akin.
Hawk.....
Hindi pa rin siya lumingon sa akin hanggang sa pagbaba niya, tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Dude what are you thinking at umalis ka sa hospital" naiinis na sabi nito na nakapagpatawa sa akin.
God I miss this guy so much.
Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya, mas matanda ako sa kaniya pero heto siya mas matangkad sa akin at nakakunot ang noong nakatingin sa akin na parang mas nakababatang kapatid niya ako.
Bagsak na bagsak ang itim niyang mga buhok dahilan para matabunan ang makakapal nitong kilay. Ang mga mata niya na na napakaganda at mukhang masungit, ang ilong niya na napakatangos bagayan pa ng labi na mamula mula at napakaperpekto. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko lalo na ang panga nito na napakaperpekto dahilan para habulin siya ng mga babae pero sorry sa kanila mas mahal ng kapatid ko ang libro at gitara niya.
"Noona kadiri ka wag ka nga tumingin sa akin ng ganyan" masungit na sabi nito pero imbis na mainis ay natawa ako at ginulo ang buhok niya.
Siguro kung ibang tao lang ako ay baka sinapak na ako nito dahil ang pinakaayaw niya sa lahat ay ginugulo ang buhok niya.
Napalingon naman ako kay Dad na nakaakbay kay Mom, pareho silang pinapanood kami at tumatawa.
"Tsk stop ruining my hairstyle noona" muling sabi nito hanggang sa mapadpad ang paningin niya sa tagiliran ko sabay lipat ng tingin niya sa akin.
"Noona you're bleeding" Sabi nito dahilan para lumapit sa akin si Mom at Dad.
"Call our family doctor Hawk" mabilis na utos ni Dad pinaupo muli ako ni Mom sa sofa.
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Misteri / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...
