Day 2 *started* (May 11)
MOONABYS POV
Maaga kami ni Dyna nagising kaya nagpunta kami sa study room para mag-research tungkol sa pangyayari sa kanya noon. Siguro naman ay nasa internet ang mga details sa kung anong nangyari noon.
'Case of Dynathy Lincoln year 1666'
Pagtipa ko sa keyboard ng computer si Dyna naman ay nakaupo sa tabi ko at nakikibasa din habang kumakain ng breakfast.
'CASE OF DYNATHY LINCOLN THE DARK HISTORY OF SAN JOSE APARDON YEAR 1666'
The world was startled when a nefarious crime happened in young women named Dynathy Lincoln, Dynathy Lincoln is came from well known circle of family and in a very young age her mother and father died and as an only child she pursue to live alone and managed to take care of their business that is very known and useful in year 1666.
In this article you'll be able to know the dark history of San Jose Apardon that is known now as a San Jose Bar.
"I see now I know kung bakit dinadayo ang San Jose Bar ngayon ng kahit sinong mga kilalang tao dahil sa background" pagr-review ko habang binabasa ang isang article na nakasulat ang mga detalye na nangyari noon.
"Ibig sabihin naging makasaysayan yung lugar na iyon dahil sa nangyari sa akin?" Tanong ni Dyna tumango naman ako. "Pero bakit ganun? Parang hindi magandang tingnan na ginawa pa iyong tourist spot dahil sa history na nangyari sa akin" nakakunot ang noong dagdag pa niya.
Napabuntong hininga naman ako ng malalim, tama siya masyado nang madilim ang nangyaring history sa lugar na iyon pero nagawa pa rin nila na gawing tourist spot yon.
"Kung alam ko lang na ganito pala ang history ng place na yon edi sana hindi na ko nagpunta. Iisipin ko palang kung anong nangyari ay kinikilabutan na ko" Sabi ko naman, pagscroll ko pataas ay merong lagda ng isang tao kung sino ang gumawa ng article nito at sa pinakadulo ang nakasulat ay...
JUSTICE NOT SERVED
"Kailangan na natin kumilos" biglang sabi ni Dyna, naramdaman ko din na wala na siyang ganang kumain matapos mabasa ang article dahil bigla nalang niya inilapag sa isang gilid ang pinagkainan niya.
"Shall we start?" I asked, ngumiti naman siya at tumango.
Nag-ayos na kami ng gamit para pumasok sa university. Napag-usapan namin na kailangan naming makipag-usap sa mga suspect pero syempre hindi yung usap na tatanungin namin kung may galit sila, makikipag-usap lang kami at kikilatisin sila para makilala.
Nang makarating kami sa room ay syempre naupo kami agad sa designated sit namin nang lumapit si Ferdinand.
"Hoy mga baccla kalurkey kayo lalo ka na anong nga ulit pangalan mo?" Bungad na sabi ni Ferdinand sa amin at bumaling kay Dyna sabay naupo sa harapan namin.
"Uh ako si Dynathy" pakilala ni Dyna sabay lahad ng kamay niya, agad naman iyong tinanggap ni Ferdinand.
"I'm Ferdinand nga pala sis call me Ferds nalang grabe ah ang lambot ng hands halatang hindi naghuhugas ng plato" biro niya, napakamot naman sa ulo si Dynathy.
"Pasensya ka na Dynathy sa kacornyhan ni Ferds" natatawang sabi ni Jihyo na katabi ko bigla naman siyang hinampas sa braso ni Ferds.
"Echoserang to masyadong bida bida" sarkastikong sabi ni Ferds, napataas naman ako ng kilay nang taasan ako nito ng kilay. "Oh eh kamusta naman itong si reyna moonabys? Na kahapon eh parang sinapian dahil kung ano anong pinagsasabi" dagdag nito nagtawanan naman si Jihyo at Dynathy, napabuga naman ako ng hangin.
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Mystery / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...