PL 12

128 13 1
                                    


MOONABYS POV

Naalarma ang lahat sa pagsigaw na aming narinig, hindi ko alam pero kinabahan ako kaya hinawakan ko si Dyna sa siko at hinila ito upang lumabas dahilan para sumunod din ang aming mga kaklase, narinig ko ang sigaw kung saan kami nina Dyna at Zee pumwesto noong groupings.

Napahinto ako sa pagtakbo gayun din ang ibang mga estudyante. Nakita ko si Yna na nasa sulok at nakatakip sa bibig habang nasa harapan niya ay si Kenedy. 

Si Kenedy na nakahandusay, duguan at wala nang buhay....

"Everyone! Stay away from the body!" Sigaw ng aming guro kaya unti-unti kaming umatras. Tinawagan naman ni Ma'am ang headmaster ng University. 

Nagkatinginan kami ni Dyna at alam kong naiintindihan niya ang mga tingin ko.

We need to find Zee.

Kanina. Kanina ay hinahanap siya ni Yna na girlfriend ni Kenedy hindi kaya nagkita si Zee at Yna? Tapos nahuli ni Kenedy?

And knowing Kenedy gaya ng sabi ko lumalaban siya sa mga underground battles bukod don ay kilala din siyang siga at naghahari-harian dito sa University, ginagawa niyang pagmamay-ari ang kahit sinong babaeng matipuhan niya at kung anong kaniya ay kaniya at kung gagalawin mo man yung bagay na pagmamay-ari niya, magtago ka na dahil siguradong aabutin mo ang mga inabot ng nakalaban ni Kenedy sa underground na naga-agaw buhay pa.

"Anong nangyari Yna?" Tanong ni Ma'am at inalalayan ito tumayo.

"I-I don't know i-i just s-saw him lying there and covered with blood.... i really don't know that's why, s-sumigaw lang ako" umiiyak na sabi ni Yna, tinapik naman siya ni Ma'am at hinawakan sa dalawang braso.

"Uh Einstein President please take care of Ms. Yna pakidala sa clinic now" utos ni Ma'am sa President ng section namin agad naman itong sumunod.

Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Zee at gayun din si Dyna nang may isang taong napukaw ang atensyon ko mula malayo, nakatayo lang ito at tinitingnan ang taong nagkukumpulan dito at ..... merong dugo ang suot nitong puting polo.

Hinatak ko si Dyna at tumakbo sa kabilang hallway upang umikot at puntahan ang lalaking iyon, kung dito ako sa kanang corridor dadaan ay makikita niya ko pero kung iikot ako dito sa kaliwa ay sa likod niya ako magmumula. 

Too bad in his part, hindi niya alam merong taong nakapansin sa kaniya. 


DYNATHY POV

Nagulat na lang ako sa biglaang paghatak sa akin ni Moonabyss. 

"Moonabys teka saglit saan tayo pupunta?" Tanong ko dito habang hatak niya ako at tumatakbo, ang bawat room ay nagtataka kung bakit kami tumatakbo.

Mukhang wala silang alam sa nangyayari doon sa kabilang koridor ng paaralan.

"Moonabys alam mo ba kung nasaan na si Zee?" Muling tanong ko sa kaniya.

Huminto siya at humarap sa akin habang hinihingal nasa harap kami ngayon kung saan walang katao-tao pero kung muli kaming liliko ay babalik kami kung saan kami galing.

//AUTHORS NOTE//

(R-Room   S-Stairs )

S R R R R R R R R R R R S

---------□-----------------------

 |                                              | ●

○-------------------------------

S R R R R R R R R R R R S

●-Where the crime happened 

PARALLEL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon