Crying

100 1 0
                                    

Sabi nila, kapag umiyak ka, mahina ka. Hindi nila alam na pagod ka lang talaga sa mga nangyayari at wala ka ng magawa kundi umupo sa isang tabi at umiyak. Sabi naman ng iba, kapag umiyak ka, malakas ka dahil kaya mong ipakita sa lahat na tao ka lang din at nasasaktan.

Ano nga ba talaga? Pati ako naguguluhan.

Crying is how you show other people how hurt you are.

Kung iiyak ka, mas maganda kung malakas dahil dun mo nalalabas lahat ng sama ng loob mo pero kapag mahina ang iyak ng isang tao, mas masakit yun, yung tipong pinipigilan niya ang mga hikbing gustong lumabas sa bibig niya kase gusto niyang sarilihin na lang yun.

Sabi nila, mas gagaan ang problema mo kung sasabihin mo sa iba or mag-oopen up ka. Sabi naman ng iba, mas mahirap yun dahil pinapakita mo sa kanila ang kahinaan mo. Na mahina ka. Asar no?

Sometimes, we just need a listener. Yung makikinig lang satin habang naglalabas tayo ng sama ng loob.

Pero dumadating talaga sa point na, hindi ka na maiiyak, yung tipong mata mo na yung sumuko sa pag-iyak dahil maging yung mga mata mo, pagod na at nagsawa na din dahil paulit-ulit na lang ang mga pangyayari, yung gusto mong isigaw na "tama na, ayoko na, pagod na ko, tigil na" pero parang wla paring nangyayari.

Yung iba naman, itinutulog na lang ang lahat kesa sa umiyak dahil mas maganda nga naman yun, imbis na lumaki ang eyebags mo eh mawawala pa ito at makakalayo ka sandali sa mga problemang binabato sa iyo.

Alam niyo ba kung baket tayo inaantok pagkatapos nating umiyak? Ay dahil yun yung paraan ng Diyos para sabihin na, "pagod na yung mga mata mo, magpahinga ka muna". Asteg diba?

Sooo, ending?

Kapag may problema ka, sige umiyak ka, ano bang pake nila eh sa hindi nila nararamdaman yung naramdaman mo? Pero siguraduhin mo lang na pagkatapos mong umiyak magpapahinga ka at mag-iisip ng paraan para malutas yung problema mo.

Tandaan: Walang problemang binibigay sayo na hindi mo kayang lutasin. :)

~xoxo, LightArcie

ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon