Ilang chance na ang nabigay mo sa kada-taong nakikilala mo?
Isa, dalawa, tatlo? Madami na? Minsan napapaisip ka kung worth it ba ang pagbibigay ng chance kung mauulit at mauulit lang din yung mga nangyayari.
Ang totoo niyan, ayokong maging friendly. Ayokong may mga taong mapapalapit sakin. Bilang lang ang mga taong ka-close ko. Choosy ako eh. Hahaha! Kaya kahit masabihan ng suplada, wapakels.
Kapag naging close ka kasi sa isang tao kahit sa ayaw mo man o sa hindi nagkakaroon siya ng pagkakataong masaktan ka. Para kang nagbibigay ng isang baril tapos itatapat niya iyon sayo at hihintayin mo na lang na pindutin niya yung trigger.
Hindi ko namang sinasabing wag kayong makipagclose, choice niyo parin yun. Teka, anlayo ko na ata? Balik tayo sa chances.
Kapag nasaktan ka na niya at humingi siya ng tawad, papatawarin mo ba? Sabi ng iba, hindi na dapat binibigyan ng chance yung mga taong nanakit sayo kasi parang hinahayaan mo uli siyang saktan ka.
Parang yung sa baril, kapag naging close kayo nung taong yun parang binibigyan mo siya ng baril kapag pinindot niya yung trigger at hindi ka niya natamaan ng sobra, hihingi uli siya ng chance. (Para bang hihingi siya uli ng bala kasi hindi ka niya natamaan nung una)
Kaya ang tanong ng lahat, pano nga ba malalaman kung worth it yung taong yun ng second chance?
Sagot ng karamihan, kapag mahal mo, wala kang magagawa kundi bigyan siya ng second chance, third, fourth chances whatever. Kasi nga mahal mo. Ang weird lang.
Pero alam niyo, sabi ng iba sa pamilya ka lang hindi makakahindi kapag humingi uli sila ng chance kase diba, hindi ka makakapili kung sino yung gusto mo o hindi kasi kapamilya mo, kadugo. Pero kung tungkol sa ibang taong di mo kadugo siguro pag-isipan mong mabuti kung deserving ba sila o hindi.
Sooooo, ending?
Wala. Alam niyo, ang Diyos hindi napapagod magbigay satin ng chances, ang tawag dun? "Tomorrow" Kada araw na lumilipas ay ang mga chances na binibigay niya satin para mas maging better, para gawin yung mga bagay na hindi pa natin nagagawa, para ayusin yung mga nasira natin kahapon.
Kung ang Diyos nga hindi napapagod magbigay ng chance, ikaw pa kaya?
Pero alam niyo, hindi naman tayo Diyos eh, minsan mapapagod at mapapagod din tayo sa mga taong nananakit satin.
Ang gulo no? Hindi mo malaman kung ano bang panig ang sinasabi ko. Hahahaha! Kung dapat bang maging mapagbigay sa chances o hindi. Choice mo yan. :)
BINABASA MO ANG
Confused
AléatoireJust Sharing. :D Diary? I guess. Kung ano lang pumasok sa utak kong magulo. Hoho! Some are mine, but not all. Credits to the owners.