Ang mga tao ngayon, masyadong mapanghusga.
"Ang payat mo naman."
"Ang taba mo naman."
"Ang liit mo naman."
"Ang pangit mo talaga."
"Ang itim mo."
"Ang laki ng tenga mo."
"Ang laki ng bibig mo."
"Ang pango mo naman."
"Ang tanga mo."
"Ang bobo mo naman."
"Hahaha. Chura mo."
Ang sarap isagot nito,
"Bakit? Perpekto ka ba? Tingin mo walang pangit sayo? Ang kapal ng mukha. Tingin tingin din sa salamin pag may time."
Nakakainis yung mga taong walang pinipiling oras kapag nanghuhusga.
Makiramdam. Matuto kayong makiramdam. Hindi sa lahat ng oras, ayos lang na inaasar. Hindi sa lahat ng oras nagagawa niyong makipag-biruan. Minsan, tignan niyo kung nasa mood na makipag-asaran ang taong iyon.
Kapag hindi, tigilan. Naku naman. Ang dali-dali bakit hindi magawa? Hindi dahil may freedom of speech yun na ang gagamitin mong dahilan para dun.
Ang nakakatawa pa, may mga taong kapag nang-iinsulto, ang galing. Pero kapag sila ang inasar, nagagalit.
Bakit ganun? Asan ang hustisya? Ano toh? Ikaw lang may karapatang mang-asar? -,- Aba’y hindi tama yan. Lumugar pwede?
Why is that? I'm confused.
~xoxo, LIghtRain18
BINABASA MO ANG
Confused
De TodoJust Sharing. :D Diary? I guess. Kung ano lang pumasok sa utak kong magulo. Hoho! Some are mine, but not all. Credits to the owners.