Need and Want

143 3 0
                                    

Kwento ko muna yung nangyari.

Habang naghahanap kasi ako ng damit sa SM. May napansin akong isang batang babae at kasama niya yung mommy niya.

"Mommy, I want this." Sabi nung batang babae. Namimili parin ako. I'm not eavesdropping, sadyang rinig ko lang talaga.

Akala ko nung una, bibilhin nung mommy, pero hindi.

"No, princess you don't need this." Sabi nung Mommy niya.

"But I want this." Pagmamaktol nung batang babae.

"You want this but you don't need this. Madami ka pang damit sa bahay." Sabi nung Mommy niya, naka-tungo naman yung batang babae.

"Dbale, I'll buy you Ice Cream na lang. Okey?" Sabi nung Mommy, napangiti naman yung girl habang tumatango.

Okey. Ang pinupunto ko ay .....

May mga gusto tayong bagay pero hindi naman natin ito kailangan.

Madami tayong pwedeng i-connect dito.

Sa mga damit. Kagaya nung bata.

Kung alam mong madami kang damit, wag ka na munang bumili. Kung hindi iyo ang pera, kung hindi ikaw yung nagtra-trabaho, wag na muna. Mahirap makakuha ng pera ngayon, buti sana kung naging katulad tayo ni Napoles.

Yung tipong yumaman nang hindi alam. Hahaha.

Sa mga gadgets.

My opinion? you don't really look cool if you have the latest gadgets.

Lahat nagbabago, lahat nawawalan ng saysay, lahat naluluma. Kaya kahit anong silbi niyan lilipas parin yang gadgets mo na yan, mawawala rin yan sa uso.

Life is getting harder each day-- I think. Wag namang maging aksayado.

Sooooooo. Hindi lahat ng gusto dapat bilhin.

Sa lintek na love naman. Hahaha. Bitter ey? Di naman.

Sabi pa nga sa isang page na nabasa ko.

We can't get what we want. [Sometimes.]

Katulad sa mga crush niyo, minsan hindi mo talaga siya nakukuha. Kase, hindi siya para sayo.

I'm telling you madami ka pang makikilala. Malaki ang mundo.

If it's not for you. Maybe it's not just really for you. Duh?!

May mga tao tayong nagugustuhan pero hindi meaning nun siya na talaga, mapaglaro si Destiny. :)

→ → Am I helping? Am I still talking about our topic? If not. Sarreh. Masyado lang talagang magulo ang aking utak. Hohoho. ← ←

Soooo, ending?

Iba ang gusto sa kailangan.

May mga gusto tayo na hindi natin kailangan.

At

May kailangan tayo na hindi natin gusto.

Pero bakit kung ano pa yung hindi natin kailangan, yun pa yung gusto natin?

Why is that? I'm confused.

~xoxo, LightRain18

ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon