People Nowadays

171 5 0
                                    

Some people are so judgemental. Actually, many people.

Hindi pa nga alam ang buong pangyayari, nanghuhusga na. Ni hindi pa nga kilala mabuti ang isang tao, nahusgahan na. Hindi mo nga alam yung nararamdaman nung taong yun pero kung makapanghusga ka parang kilalang-kilala mo na. Naniniwala sila sa mga naririnig nila sa mga sinasabi ng ibang taong pinaniniwalaan nila, ni hindi pa nga nila alam kung totoo o hindi yung chismis na yun.

Kahit nabalita pa yan, pwedeng baguhin yan. People can tell and spread lies. Ang dali-dali lang naman diba? Nasa iyo yan kung ano ang paniniwalaan mo at tanga ka kung hindi mo inaalam ang totoo.

Pero minsan, kahit paniwalaan mo, hindi mo masasabi kung tama o mali yun dahil para sayo, tama yun, dahil yun nga ang pinaniniwalaan mo eh, edi tama yun para sayo pero hindi mo nga alam diba? Wala kang alam.

Ocge, Baket? Alam mo ba mga nangyari? Alam mo ba yung bawat segundo na nangyari? Naisulat mo ba? Na-video mo ba? Hindi dba? Narinig mo lang, nakita mo lang. Pero sigurado ka ba? Hindi parin diba?

Minsan, di sapat ang mga nakikita at naririnig mo. Minsan, kailangan mo ring intindihing mabuti. Hindi dahil nakita mo na at narinig, maniniwala ka na, intindihin mo muna. Lahat ng bagay may rason.

Nakita at narinig mo lang sa mga taong walang ginawa kundi manira ng kapwa nila. Na-kesyo ganyan, ganon.

Alam niyo, kung hindi niyo gusto ang isang tao, kausapin niyo, sabihin niyo kung anong problema para maayos na lahat.

Pero kung ayaw niyo? Hindi dahil sa nagpapataasan kayo ng pride or kung ano man. Ito kase ang best way para maayos ang isang problema pero dahil nga sa ayaw mo, edi wag.

Pero tandaan, ang pakikipagbati sa kaaway ay hindi kaplastikan, ito ay ang pagpapakita na meron kang pinag-aralan. :)

Pero kung hindi mo talaga gusto, edi iwasan niyo, ituring niyo na parang wala lang. Ituring niyong masamang hangin dahil hindi naman sila kawalan diba? Hindi na kailangang mag-away pa.

Kung ayaw mong kausapin, iwasan mo. Ganun lang kasimple yun, hindi yung sisiraan mo pa siya sa ibang tao. Go! Siraan mo siya sa isip mo, hindi mo naman maiiwasan yun eh. Pero hindi na kailangang sabihin pa sa ibang tao. Hindi mo na kailangan pang manira. Hindi mo na kailangan pang maghanap ng kasamang manira sa taong yun.

Hindi mo naman kilala yung taong yun eh. Baket? Alam mo ba lahat ng tungkol sa kanya, kung ano ang mga gusto at ayaw niya? Yung mga iniisip niya? Hindi dba? Kaya wala kang karapatang manghusga. Yun yon! Hindi ko sinasabi to dahil alam ko sa sarili ko na nakapang-husga na rin ako pero tinigil ko naman na eh. Umiwas na lang ako para tahimik na lahat.

Sooooo, ending?

Alamin mo muna ang totoo sa hindi, bago ka manghusga. Or mas maganda pa, tumahimik ka na lang. Pwede ba?

Ngiti ka na lang at hayaan mong mainis sila. :) Yun lang.

~xoxo, LightRain18

ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon