Kung ano pa yung totoo, yun pa yung hindi pinapaniwalaan.
Kapag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Dahil kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, masasaktan at masasaktan ka parin. Nasayo na lang kung ipapagpatuloy mo o hindi.
Kahit gaano ka man nasaktan sa una, pagdating sa huli, magiging masaya na.
Ngiti ka. Hayaan mo silang mag-isip kung bakit.
Ako, pinanganak na maganda, ikaw, pinanganak lang. Moahaha!
Narealize ko na, hindi pala lahat ng bagay kailangang malaman.
Tuwing umiiyak ka, tandaan mo lang ang sinasabi sayo ng magulang mo kapag nadadapa ka. 'Oh wag kang iiyak, kasalanan mo yan.'
Friendly siya, assumera ka. Ayun tanga, nasaktan ka.
Dumarating talaga yung time na kung sino pa yung pinakaimportante sayo, siya pa yung biglang mawawala.
Walang manlalandi, kung walang magpapalandi at walang magpapalandi, kung walang manlalandi.
Ganda ng banat mo tapos hindi pala niya gets. Sayang effort!
Kahit magagandang bagay, may katapusan.
Kahit anong mangyari, wag kang mag-assume para hindi ka masaktan.
Huwag mong piliting tumawa kung hindi ka masaya, dahil ang ngiti mo halatang made in china.
Yung pakiramdam na ang hirap sagutin ng mga tanong kasi, ikaw mismo naguguluhan na.
Ang hirap sa mga tao ngayon, makarinig lang ng chismis, kahit hindi totoo, pinaniniwalaan.
Galit ka sa plastik pero ikaw mismo plastik din. Lol. Wag ganun.
Nalaman ko na, bobo lang ang taong nanghuhusga dahil hindi nila muna inaalam kung ano ba yung totoong dahil nung tao.
Mag-ingat ka, baka hindi ka pa tapos, gumaganti na siya.
Madali lang naman para hindi ka masaktan. Pag mahal ka, mahalin mo rin, pag niloko ka, lokohin mo rin pero kapag umiyak ka, tanga ka. Niloko ka na nga, iiyakan mo pa?
BINABASA MO ANG
Confused
RandomJust Sharing. :D Diary? I guess. Kung ano lang pumasok sa utak kong magulo. Hoho! Some are mine, but not all. Credits to the owners.