Mysteries

145 2 0
                                    

Nalaman kong may pagka-misteryoso pala siya. Parati ko siyang nakikita paaralan, pagkapasok ko pa lang eh. Nakatambay lang kasi siya, minsan tahimik pero madalas nag-iingay kapag may kasama. Nalaman ko na tatlo ang paborito niya kulay ito ay ang black, blue at red pero ang pinaka-paborito niya ay yung black.

Naiinis ako kapag nawawala siya sa paningin ko at lalo akong naiinis kapag nakita kong may kasama siyang iba. At dahil akin siya, kinukuha ko uli, para ngang gusto ko na siyang lagyan ng pangalan para malaman nilang akin siya. Possessive? Hindi din, ayoko lang na makita siyang hawak ng iba.

Akin kasi yun. Binili ko sa national bookstore.

- Bolpen

.

.

.

Bata palang ako, kasama ko na siya. Kasama ko siyang magsulat, magdrawing at kung anu-ano.

Sa paaralan naman ay hindi ko siya magawang iwanan dahil baka pagtripan siya ng mga kaklase ko. Masaya ako kapag kasama ko siya, nasasabi ko kasi sa kanya ang lahat ng gusto ko. Hindi ko din magagawa ang bangka at eroplano kapag wala siya.

-Papel

.

.

.

Heto na naman ako at naka-dungaw sa bintana. Hinihintay ko kasi siya lumabas. Gabi-gabi inaabangan ko siya, napapangiti kasi ako kapag nandyan siya.

Makita ko lang siya feeling ko buo na ang araw ko, minsan na sasabi ko sa kanya ang mga gusto ko, ang mga pangarap ko pero ngayon, hindi ko na siya madalas makita dahil nagiging busy ako sa pag-aaral.

Ngayong nakita ko na naman siya ang saya pero hindi ko siya magawang lapitan dahil ang layo-layo niya.

-Bituin

.

.

.

Kailangan kong tumakbo palayo sayo dahil kapag tumigil ako, masasaktan ako.

-Sabi ng taong hinahabol ng aso.

.

.

.

Hinahabol ka na nga, choosy ka pa?!

-Sagot ng aso

.

.

.

Ibinigay ko sayo ng buo, binalik mo ng pira-piraso.

-pagkaing pinag-agawan

.

.

.

Maka-hampas! Close tayo?!

-sabi ng ipis sa tao

.

.

.

Iniwan lang kita saglit, dumikit ka na agad sa iba.

-bubblegum

.

.

.

Gusto kong pumatay ng tao! Pasalamat ka, hayop ka!

~xoxo, LightRain18

ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon