Tagalog Quotes 1

137 1 0
                                    

Mas magandang masaktan narin ng sobra minsan kasi dun mo masasabi sa sarili mong tama na.

Minsan kahit gawin mo na ang lahat, may kulang parin, may mali parin, may masasabi parin.

Kahit wala kang make-up, ang kapal ng mukha mo.

Mahirap mag move-on, pero teh, mas mahirap maubusan ng pagkain.

Kung sinaktan ka niya ng dahil sa walang kwentang bagay, hindi na pagmamahal tawag dun. Wag kang martyr.

Gawin mo lahat ng gusto mo, pakielam ba nila? Di naman nila buhay yan.

Iwanan ang Katangahan. Irampa ang Kagandahan.

Kapag iniwan ka niya, wag kang sad. Ganyan talaga eh, di ka bagay sa tanga.

Yaya, bakit ang ganda ko parin kahit naka-wacky na ako? Wala ba akong karapatang pumangit?

Ang pag-iinarte ay parang bangs. May binabagayan lang.

Iba ako at iba siya, kaya wala kang karapatang ikumpara ako sa kanya.

Nasasaktan ka na nga, hinahabol mo pa.

Ang babae/lalaki hindi yan washing machine para paikutin at hindi yan dryer para i-timer.

Kung palagi mong itatago ang nararamdaman mo, para ka lang nag-iipon ng tubig sa basag na baso.

Pag prangka masama na agad? Hindi ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo? Mas masamang magsinungaling diba?

Mahirap talagang mag-tiwala, lalo na sa taong di katiwa-tiwala.

Hindi ko naman sinabing kalimutan mo siya, ang akin lang ipagpatuloy mo buhay mo kahit wala siya.

Itinatagong pagtingin, ibaon sa balong malalim.

Ang love parang si Tom and Jerry, kung sino pa ang naghahabol, siya ang nasasaktan.

Kung broken hearted ka, wag kang malungkot. Try mong maghugas ng pinggan. Di ka nga masaya, at least, luminis yung lababo niyo.

ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon