Promises are meant to be broken.
Kung ganun, wala nang halaga ang mga pangako. Pero bakit may mga taong nangangako?
Isa din yan sa mga katanungan ko. Inisip ko kung mapapako din naman bakit nangangako pa? Dba? Parang pinapaasa lang nila ang isang tao.
Pero dahil magulo ang aking utak,narealize ko na, kaya sila nangangako dahil masaya sila.
Nangako sila ng dahil ito ang gusto nila. May mga dahilan naman kaya napapako eh.
Maaring hindi na nila kayang magampanan iyon.
Maaring sinabi lang nila iyon dahil gusto nila.
At maaring sinabi lang nila iyon para masabi mong totoo sila.
Naiinis ako sa mga taong hindi pinapahalagahan ang mga pangako.
Kung wala kang kasiguraduhan na gagawin mo talaga iyon, mas mabuti pang wag ka na lang mangako. Hindi ba? Atleast kahit hindi mo iyon magawa, eh hindi ka naman nagsabi.
Minsan kasi, ang mga pangako ang pinanghahawakan ng tao kaya sila nasasaktan.
Sooo, ending?
Wag mangako kapag alam mong temporaryo lang ang nararamdaman mo. O kahit tingin hindi temporaryo. Mas maganda kasing hindi na lang nangangako, dapat ginagawa na lang.
Pero bakit patuloy paring nangangako? Tas sa huli hindi din naman gagawin. I am confused.
..
..
..
~xoxo, LightRain18
BINABASA MO ANG
Confused
RandomJust Sharing. :D Diary? I guess. Kung ano lang pumasok sa utak kong magulo. Hoho! Some are mine, but not all. Credits to the owners.