Life Is Unfair

142 2 0
                                    

When you did something good, no one remembers. When you did something wrong, no one forgets.

Life is indeed unfair and I believe that.

Subukan mong gumawa ng madaming tama, mapapansin mong meron paring kulang. Parang hindi parin kumpleto. Hindi ba?

Pero kapag nakagawa ka ng mali, kahit isang beses lang iyon, maaaring masira ang lahat. Pwedeng may mawala at masira sa mga bagay-bagay.

Madaming pwedeng mangyari sa isang pagkakamali, kahit gumawa ka man ng napakadaming tama, kung may mali ka nang nagawa, wala na.

Tiwala.

Once na nasira ang tiwala, kahit bumalik pa yan, may bakas parin ito na nasira siya. Kaya parating ang halimbawa dito ang papel diba? Ang papel, malinis, maayos pero kapag sinulatan mo ng lapis tapos buburahin mo kahit maliit lang yun, may bakas parin na parang sinulatan mo, kung pupunitin mo man, tapos ididikit mo, maaring sa harap, maayos pero sa likod wasak.

Puso

Ang puso, sa unang beses na magmahal yan, totoo. Pero kapag nasaktan yan, may part diyan na ayaw na niyang magmahal o gusto niyang gumanti, kaya nga nagkakaroon ng mga bitter. Minsan mas okey nang maging bitter kesa gumamit ng tao para gumanti. Pero hindi din maganda ang pagiging bitter.

Hindi pare-pareho ang tao. Maaring may pareho, pero hindi lahat ng katauhan ng taong iyon ay pareho.

Hindi dahil nasaktan ka, di ka na magmamahal. Sabi nila, may matututunan kang lesson dun.

May mga dahilan kung bakit natin, name-meet ang isang tao, maaring papasiyahin ka, papaiyakin, pero ang higit sa lahat, bibigyan ka ng isang magandang leksyon sa buhay.

Ang layo ko na, ano po? Hahaha. Sooo, ending?

Life is really unfair. Minsan, kahit gawin natin ang lahat, may kulang parin, may masasabi parin, may mali parin. Ganun naman talaga eh. :)) That's Life.

But why does people still says bad things about others? I'm confused.

~xoxo, LightRain18

ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon