Smile conquers everything.
Ngiti lang, everything happens for a reason. Sabi nga nila, minsan, kahit nasasaktan na nagagawa paring ngumiti.
Tama naman iyon diba? Minsan, hindi mo alam na sa simpleng pag-ngiti mo lang, nabubuo mo ang araw ng iba. Ang sarap sa feeling. Pero minsan, kahit ipilit mong ngumiti makikita parin sa mga mata mo na hindi ka masaya. Pero hindi mo dapat pinapakita sa ibang tao na mahina ka, na hindi mo kaya pero minsan, kailangan mo ring ipakitang mahina ka para hindi sila masanay na parati kang malakas.
Ang galing no? May pangkontra ako sa mga sinasabi ko. Wahaha!
Ang sabi ng iba, mas gugustuhin kong ngumiti kesa sabihin sa buong mundo ang dahilan kung baket ako malungkot.
May point naman pero mas nakakagaan sa loob kapag nago-open up ka sa iba. Yung may pake, hindi yung nakikichismis lang. Mas maganda talaga kapag kilala mo ang mga tunay mong kaibigan. :)
Peace begins with a smile.
Yeaa. Malalaman mong okey kayo ng taong iyon kung nagngingitian kayo. Pero how would you know kung totoo ba o peke ang ngiting iyon? Dba? Sa panahon ngayon, madaling magbigay ng ngiti. Dahil maaaring ngitian ka niya pero pagtalikod mo, sinasaksak ka na.
Don't cry because it's over, smile because it happened.
Wag mong iiyakan ang mga bagay na tapos na. May mga bagay na natatapos dahil ito ang nagiging daan para mas mapalit ka sa deserve mo.
Siguro kung iiyakan mo, saglit lang para maalis lang yung sakit na nararamdaman mo at pagkatapos nun ngiti ka na uli. Masarap yun sa feeling.
Sooooo, ending?
Wag mong kakalimutang ngumiti araw-araw dahil maswerte ka at nakakangiti ka pa at may ngipin ka pa. Hahaha!
Yun lang.
..
..
..
~xoxo, LightRain18
BINABASA MO ANG
Confused
RandomJust Sharing. :D Diary? I guess. Kung ano lang pumasok sa utak kong magulo. Hoho! Some are mine, but not all. Credits to the owners.