"Wag ka na mag aalala Ms.Cordova, okay na sya.Na over fatigue lang sya.Tsaka isa pa, bawal ng mapagod si Manang masyado na syang matanda para sa mga mabibigat at nakakapagod na trabaho. Sa ngayon, kailangan nyang mag-istay ng tatlong araw dito para sa nga tests na gagawin namen sa kanya."
"Salamat po, Dok."umalis narin yung doktor at nakahinga na ako ng maluwag."Buti naman okay na si Manang."sabi ko kay Sebastian.
Tsaka kami pumasok sa loob ng kwarto ni Manang.
"Manang, kamusta po pakiramdam mo?"
papalakad na ako papunta sa higaan nya."Okay naman ako eh, hindi ko nga alam kung bakit nyo pa ako dinala dito okay naman ako eh.Ang lakas-lakas ko pa nga eh." nanghihinang sabi ni Manang.
"Malakas ka pa sa lagay na yan ha Manang? Ni hindi mo nga kayang ilakas yung boses mo at ni hindi ka nga makaupo ng maayos." Natatawang sabi ko kay Manang.
"Okay na nga ako.Umuwi na tayo.Ayaw ko dito sa hospital."pangungulit pa ni Manang.
"Haay.Manang, tatlong araw ka pa daw dito para mag-sagawa ng test.Sa ngayon, magpahinga ka muna.Ako naman ang mag-aalaga sayo."nakangiting sabi ko kay Manang.
"Ah..sige maiwan ko muna kayo ha.Bibili lang ako ng pagkain."paalam ni Sebastian.
"Parang nung nakaraang linggo kakagaling lang naten sa hospital na 'to.Ngayon nandito na naman tayo dahil saken." malungkot na sabi ni Manang.
"Haay..Manang ang drama mo."
Pero napaisip ako sa mga sinabi ni Manang.Oo nga, si Daddy nung nakaraang linggo ang nandito ngayon naman sya?Sana heto na yung huling pupunta ako dito sa hospital.Lumipas ang tatlong araw, nakalabas narin si Manang.Hindi ko na sya pinagtatrabaho.Sinabi ko na kukuha ako ng yaya para may maglilinis at mag-aalaga kay Manang habang wala ako sa bahay.Pero ayaw nya, kaya ako na lang ang nagprinsintang gawin ang mga gawaing bahay kapag maaga akong umuuwi.
Lumipas rin ang ilang linggo, puspusan ang praktis namen ng mga kabanda ko.Kaya gabi-gabi na ako kung umuwi.Kahit ganon, may mga kaibigan naman ako na nag-aalaga kay Manang at gumagawa ng gawaing bahay kapag wala ako.
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
Teen FictionKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...