34 Rewind 3

689 13 0
                                    

After 1 week ng pagluluksa ni Bianca.

Nasa labas pa ako ng bahay nila Bianca para tingnan kung okay na ba sya. Bumaba na ako ng kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila, nang makita ko syang palabas na ng gate nila.

"Bianca...papasok kana?" takang tanong ko. Kase, alam ko na hindi madali ang pinagdadaanan nya. Sa mga nakalipas na araw hindi ko sya nakitaan na okay na sya o kung kaya nya bang humarap sa maraming tao na hindi na iiyak.

"Saan? Sa puso mo o sa isip mo?" sagot nya.

Nawala na yung doubt ko kanina at pag aalala sa kanya. Mukhang bumabalik na ang banaterang si Bianca.

"Bumalik ka na ha? Tara na sabay na tayo,"

Pinagbuksan ko na sya ng pinto. At pumasok na sya habang ako, heto masaya para sa kanya. Ang tibay nya talaga. Kakaiba talaga syang babae, nakakayanan nya ang mga bagay na ganito kabigat.

Nakapasok na ako at inistart yung engine.
"Kamusta kana?" nahihiyang tanong nya.
I glanced at her at nakita kong nakayuko lang sa at nakatingin sa sling bag nya.
Bakit kaya ganon yung tanong nya?

"Okay naman, Bakit mo naman natanong? Lagi naman tayong magkasama eh,"
Kulang nalang nga ampunin na ako ni Manang kase lagi akong nasa kanila, dun na nga ako natutulog e.
Kase naman, kailangan kong bantayan 'tong babaeng to baka ano maisipan gawin. Tsaka baka pumapel yung mga karibal ko mahirap na. Tss.

"Wala kase ako sa tamang wisyo noong nakaraang araw, kaya wala rin akong alam sa mga nangyayare sa paligid ko. Sa isang linggo na yon parang isang taon na ang nalagpasan ko kaya hindi ko alam kung kamusta na kayong lahat. Kahit kwento kayo ng kwento saken,"

Ganon pala, sa bagay nakatulala lang sya kapag may sinasabi o kinukuwento kami sa kanya. Hindi ko naman sya masisisi kase nga nawala na yung daddy nya ng hindi inaaasahan.

"Ahh..okay naman, okay narin naman ako kase nakikita kong okay kana,"
Ooppps! Haish!!! Bibig mo Sebastian. Walang preno..baka makahalata na sya.
Nagkaroon lang ng katahimikan matapos kong sabihin yun. Lagot na! Baka ano isipin nya at mapaamin nya ako ng wala sa oras. Ano ng gagawin ko? Hayyy!! Kinabahan ako bigla. Paano kung tanungin nya ako ng diretchahan kung may gusto ako sa kanya. I-dedeny ko ba o aaminin ko na? Hayy! Ewan!!!

"Masakit ba yung left eye?" Biglang tanong nya.
Ayan na nga ba sinasabi ko eh. May papikit-pikit pa kase akong nalalaman dahil naiinis ako sa sarili ko Haish!!!

"Ha?(nakita nya pa yung pagpikit ng left eye ko? Ehh dapa right lang yung makikita nya.) Okay naman,(Sana maniwala sya at wag ng magtanong pa)Wala namang problema, bakit?"
Haishh!! Ayan na naman ako. Bibig mo Sebastian hindi mo ma preno! Nagtanong kapa? Paano kung....

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon