"Ang pag-ibig ay parang ilaw ng sasakyan yan.Dapat parehong gumagana.Dahil pag isa lang ang gumagana aakalain ng kasalubong mo na single ka."
"Ano pong ibig sabihin nun hindi ko ma gets?" nagkamot pa sya ng ulo dahil sa hiya at napayuko.
"Sa isang relasyon.Dapat pareho kayong nag eeffort, lumalaban, nag-iintindihan at nagmamahalan.Dahil kung isa lang ang gagawa nun.Mapapagod lang sya..magsasawa lang sya.At hindi mo namamalayan na unti-unti na pala syang nawawala saiyo kase hinayaan mo na gawin nya ang mga bagay na Dapat kayong dalawa ang gumagawa.Minsan kase abuso na tayo eh.Dahil alam nateng mahal tayo ng tao hahayaan lang naten sya sa tabi naten.Pero hindi naman naten na aappreciate, hindi naten binibigay ang dapat na matanggap nya, darating ang araw na mapapagod yan at maghahanap sya ng taong makaka appreciate sa mga ginawa niya ,na magpapatunay ng ibig sabihin ng relationship, ng commitment."
"Ahh..oo nga..tama po kayo."
"Ang lalim po ng pinag huhugatan nyo ms.E ha?"
"Nangyare na po ba sainyo yun?"
Hindi ko sila sinagot..nginitian ko nalang sila pero fake nga lang.
Iniwan na nila ako isa.isa at pumasok na sa klase nila.
Huminga naman ako ng malalim para pigilan ang luhang gustong tumulo sa mga mata ko.Kaya ko ' to ! Hindi na ako iiyak.
Hindi na.Lumabas na ako sa office ko at naglakad papunta sa Dean's Office, gusto nya daw kase akong makausap.
Nag iisip ako ng dahilan nang harangan ako ng isang lalake."Bianca.."
Tawag nya sa pangalan ko pero nilagpasan ko lang sya.
Pwede ba?Tantanan mo na ako.
Nakaramdam na naman ako ng sakit.
Bumalik ulit.
Ang sakit na eh.
Sobrang sakit na alam mo ba yon?Tuwing nakikita kita,Kayo, nasasaktan ako.Bakit kase? Bakit kase hindi nyo sinabi?
Bakit pinatagal nyo pa?"Bianca..please.." pangungulit nya pa saken at hinarangan nya ako ulit sa dadaanan ko.Nagpatintero na nga kami sa kakaharang nya sa daraanan ko eh.
Parang awa mo na..wag mo na akong kausapin."Bianca..." malungkot na tawag nya saken.
Pero nilagpasan ko ulit sya at naglakad ng mabilis.
Pero sinundan nya parin ako.
Hinabol nya parin ako."Bianca.."
Hinarangan nya ulit ako at wala ng dadaanan kaya tiningnan ko na sya ng mata sa mata kasabay din nun ang pagtulo ng mga luha ko.Nakita ko na naman yang itsura nya.Nakita ko na naman ang lalakeng minahal ko ng sobra...pero pinaasa lang ako sa isang bagay na akala mo mayroon ng kayo...pero.. Akala mo lang pala yun.
Ang drama ko naman.
Ayaw ko na yung piling na ito.
Ayaw ko ng magmahal ng ganito.
Ang sakit...ang hirap...nakakabaliw...
Nakakainis isipin na ikaw lang pala nagbibigay ng meaning sa isang bagay na wala naman palang ibang ibig sabihin para sa kanya.
Nakakainis na...umasa ka sa Wala..
Nakakainis na pinagmukha ka nilang tanga..
Nakakainis na bakit sya pa? Bakit sila pa?"Please...tama na.Iniiwasan na nga kita eh. Hindi na kita ginugulo eh,kaya wag mo na akong guluhin pa.Utang na loob.Nakikiusap ako.Kaya ko itong mag-isa.Kaya ko.Kakayanin ko.Kung naaawa ka dahil sa itsura ko, dahil sa ginawa nyo, wag kang mag aalala hindi kita sinisisi.Ako rin naman ang may kasalanan neto eh.Nagkamali ako ng taong mamahalin ko, ng taong pagkakatiwalaan ko.Kaya please...iwasan mo na ako.Okay lang ako.Magiging okay lang din ako." pilit kong pinigilan ang sarili ko na wag umiyak sa harapan nya.Pero...anak ng tokwa! Tumulo bigla.Nakakainis! Hindi ko kayang pigilan!
Ang hirap pigilan ng isang bagay na wag dumaloy o lumabas... lalo na kung punong-puno na talaga sya...
Nanahimik naman sya sandali at yumuko ng may bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha.Nag iisip siguro ng sasabihin nya.
Yun narin ang naging dahilan ko para umalis at iwan sya."Ako si Bayo....Anay.. mahal kita matagal na..."
Mahinang sabi nya..Narinig ko lang yung sinabi nyang "Ako si bayo" oo alam ko na ..matagal na...
Nagsimula na ulit ako maglakad pero may biglang humila sa braso ko at hinila nya ako papalapit sa kanya ng biglaan dahilan para madala ako papunta sa kanyang dibdib at tsaka nya ako.....
hep!hep!hep! bibitinin ko muna kayo mga pre!ang unang chaper na to ay bahagi ng aking future...haha ^_^ kaya para magets nyo kung sino si Anay at si Bayo at pano nabuo ang tawagan na yan ay babalik tayo sa past ko. TIME MACHINE. Past November 2015
............============================================================================
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
Genç KurguKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...