Bianca's POV
"Hi Miss!"
Napatingin kami bigla sa lalakeng humarang sa dinadaanan namen, tapos nakasuot pa ng shades. Napalunok ako bigla pero hindi ko pinahalata.
"Bakit ka nakashades? May sore eyes ka ba?"takang tanong naman ni Jenny.
Oo nga! Hindi naman masyadong nakasikat yung araw eh. Nababalot lang ng ulap yung langit.
"Hindi nakakasilaw kase yung kagandahan..."sabay alis nya sa suot nyang black shades at tiningnan ako, medyo nanigas ako sa kinatatayuan ko mula ng mahinto kami sa paglalakad, parang...prang hindi sya si Sebastian. "Ni Miss Bianca Cordova."tsaka nya ako nginitian.
Wag kang magpadala Bianca! Wag!
S I N U N G A L I N G sya!
Wag kang maniniwala okay?!"Anong trip mo?" tanong ko na nakataas pa ang isang kilay ko. Para itago yung kaba sa dibdib ko sa kakaibang titig nya saken.
♪♪Beautiful Girls all over the world
I could be chasing but my time world wasted
They got nothin on you baby
Nothin on you baby♪♪Matapos nya sabihin yung corny nyang banat bigla nalang may tumunog na ganyan na hindi ko alam saan nagmumula, basta ang alam ko ni-li-lip sync nya yung kanta. Bago nya pa mahalata nilagpasan ko na sya at iniwan yung dalawa na kunwari inis ako, pero ang totoo natatawa ako na ewan! Kase naman para syang tanga! Haha. Teka! Bakit ako natatawa. Erase Bianca! Wag kang tatawa! Wag!!!!
"Ang bilis mo ah!"agad nyang sabi ng nakasunod na sya agad sa likod ko, tinago ko naman yung ngiti sa labi ko at balik sa Taray look.
Alam ko naman yung susunod nyang sasabihin, pero hinayaan ko lang sya.
"Nakuha mo agad puso ko."sabi nya na nasa gilid ko na at napatingin ako sa kanya na taas ang isang kilay.
"Anong gusto mong iparating ha?Sebastian? Kung bumabanat ka para hingin yung kapatawaran ko, kaya ko naman ibigay sayo eh. Pero...hindi na ang puso ko."mataray na sabi ko sa kanya.
Nawala naman yung ngiti at saya sa mga mata nya.Pigilan mo Bianca! Wag kang magpa-apekto. Walang totoo dyan. Wala ni isa! Kaya wag kanang umasa.
Tsaka ko nalang sya tinalikuran, sorry..Kailangan kong gawin 'to...
"Alam mo para kang ulan, Unpredictable!"sigaw nya mula sa likuran.
Ano ba Sebastian! Tama na!
"Pero yun yung nagustuhan ko sayo!"pahabol pa nya. At tumakbo papalapit saken.
Kahit gusto kong tumili, kiligin, hindi ko pinahalata. Ayaw ko kaseng umasa. Tsaka ang layo ko na kina Princess kaya wala akong mahawakan para kahit papaano ma-i-release yung kilig na nararamdaman ko.
"Hindi ko na kailangang bigyan ka ng chocolates...kase ako palang sweet na."napayuko ako sa sinabi nya, bigla akong..nakaramdam ng init sa mukha. Whoo! Kase naman eh! Tsaka ko sya tiningnan ng masama.
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
Teen FictionKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...