39

988 14 0
                                    

FlashBack.

“Miss Cordova, I’m sorry pero kailangan mo ng maging maingat ngayon, bawal ang sobrang emosyon, kaya ka nakakaramdam ng hirap ng paghinga dahil mahina ang puso mo. Bawal kang makaramdam ng sobrang saya, sobrang lungkot baka sa susunod hindi na kayanin ng puso mo,”

“Opo dok, salamat,”

“May offer ako saiyo,kung gusto mo lang naman mamuhay ng normal at walang inaalala,”

Napaisip ako, at medyo kinabahan sa offer ni Dok.

“Ano po yun dok?”
Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.

“Kailangan mong operahan sa puso at palitan ng bagong puso,”

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya.

“Operahan po?Pero..kaya ko po ba yan? Gaya nga po ng sabi nyo mahina ang puso ko?”

“Yes, sinabi ko nga yun,pero yun kase ang nakikita kong solusyon para maging okay ka at mamuhay ng normal,”

“Makakasiguro po ba kayo na magiging successful yung operation?”kase natatakot ako, natatakot sa pwedeng kalabasan ng operation. Ayaw kong iwan yung mga taong mahalaga saken, masakit sa part ko.

“Dalawa lang ang pwedeng kalabasan ng operation, ang maging successful o hindi, at nasa sayo yung magiging resulta ng operation. Kung iiwas mo muna ang sarili mo sa mga bagay na sobrang magpapasaya sayo o sobrang magpapalungkot sayo para maging maayos ang operation. Don’t worry wala pang pumalpak sa operation na ginawa ko, lahat sila nabuhay,”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa balita ni Dok, o malulungkot. Haay!

“Sige po, pag-iisipan ko po,”

“Sana hindi ka matagalan, bago mahuli ang lahat,”

“Opo,”

Bigla kong naisip sina Anna,Jenny, Princess at Sebastian, hindi parin kami ayos tatlo. Dapat bago ko mapagdesisyunan na mag pa opera, kailangan okay na kami, dahil hindi ko hawak ang magiging resulta ng operasyon. Para wala narin akong pagsisihan sa huli. At kung sakali, wala akong iiwang tao dito sa mundo na hindi kami okay.

-End of Flashback-

“Bakit walang sasakyan?! Ang galing talaga nilang mag-isip ha? Humanda sila saken kapag nakabalik ako dun."inis na inis ako kase nakakatakot na nga itong pinagdalhan samen, may talahiban na nga na malapit sa haunted house, tapos mukhang walang dumadaan na sasakyan dito. Paano ako uuwi?! Grr!

"Bianca!"napalingon ako sa likuran, nakasunod na pala sya at ang nakakapagtaka pa, may dala syang maleta? Saan nya nakuha yun?

"Bakit may dala kang maleta? Wag mong sabihin nagtanan tayo?"

Grabe talaga sila! Hihingi lang ng tawad itong isa tapos kailangan may dala pang maleta, hindi ko talaga maisip paano nila ginawa ang lahat ng ito?

"Nag-impake na ako, inimpake ko na rin damit mo,”

"Ha? Pati damit ko? Saan mo naman nakuha damit ko? Tsaka saan tayo pupunta?"naguguluhan talaga ako.Grabe na talaga 'tong naiisip nila. Naiinis ako lalo sa ginagawa nila. Yung cellphone ko naman hindi ko alam kung naiwan ko ba sa van kanina o dun sa kwarto eh.

"Oo..pupunta kase tayo sa Home for the Aged kase I wanna grow old with you." nakangiting sabi nya at ibinaba yung maleta.
Napatingin ako sa kabilang side at napangiti, buwisit sya! Kala ko talaga nakakuha na sya ng damit ko at balak nyang itanan ako. Props lang pala para sa corny nyang banat.

"Oyy..napangiti sya." panunukso pa nya na nilapitan ako, humarap naman ako with my Taray Look.

"Hindi ah. Baliw! Tss. Walang sasakyang dumadaan dito, wala silang iniwan na kahit ano.Ano ng gagawin naten dito?" tanong ko sa kanya na parang hindi rin alam ang nangyayare.

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon