41

1.4K 19 0
                                    

Bianca’s POV

“Papunta na ba daw sila?”tanong ko kay Richard na nasa may pintuan. Tiningnan naman nya ako bago sagutin.
“Oo, mag ready kana,” sagot nya habang tumitingin sa door ng room ko. “Ayan na sila!” sigaw nya kaya naman humiga agad ako, natatawa na ako wala pa man.

“Andyan na ba sila?”tanong ng isang nurse na kinasabwat namen.
“Oo ayan na! Sobrang lapit na nila,”lumapit agad si Richard sa pwesto ko at ako naman nagpanggap agad na tulog.
Si Manang naman, kasama nila. Mahirap din kaseng pagpanggapin si Manang kaya hindi na namen sinama sa kalokohang naiisip ko. Hihihihi.

“Bianca!!”pumasok agad sila at saktong tinatakpan na ako ng kumot ng mga nurse na kinasabwat ko.
“Time of death 11:30am,”sabi ng isang nurse. Gusto kong tumawa ng malakas pero pinipigilan ko lang.

“Bakla!! Hindi!!!” nakatakip na ako ng kumot pero ramdam ko yung iyak at yakap nila saken. Pati si Manang umiiyak narin.

“Sabi mo lalaban ka? Bakit hindi ka lumaban?” boses ni Anna na umiiyak habang yakap yakap ako, ako naman, nahihirapan ng huminga dahil ang higpit nilang yumakap, kung makayugyog pa saken parang nilindol ako ng magnitude 10 eh. Sarap talaga nilang pagtripan. Hahaha.

“Ang daya mo Bakla! Sabi mo magba-bonding pa tayo? Saan yung bonding naten sa libing mo?Grabe ka naman..”umiiyak na sabi naman ni Princess.
Naririnig ko ring umiiyak sila Marky at Manang, sila Lucas at Glenn di ko alam. Pero sana, na video ni Richard para may pagkakatuwaan kami mamaya. Hahaha.

“Bakit kaba nagvi-video Richard?” tanong ni Marky na suminghot pa ng sipon matapos nyang sabihin yun.

“Ehh..kase...”nagpipigil na sya sa pagtawa.. “Nakakatawa kayo HAHAHAHAHAHAHA!”

“HAHAHAHAHAHA!”hindi ko narin napigilan at nakitawa narin ako kay Richard.
Inalis nila yung kumot na nakatakip saken, at nakita nilang gising ako at tumatawa.

“Richard, nakuhanan mo ba lahat?” natatawang sabi ko. Tinignan nila akong lahat ng masama at napa-peace sign ako. “Ahe..hello?”

“Buhay ka? Di ka talaga namatay?” naiinis na tanong ni Jenny.
“Ahe..”sabi ko nalang.
“Bianca!!!!” kinurot na nila ako at niyakap ng mahigpit. Pero si Sebastian lumabas lang. Hala? Anyare don?

“Hala ka! Nagtampo na sayo..pinagloloko mo kase eh.”
“Ehh..nagjojoke lang naman ako eh,” hindi ba sya natutuwa na buhay ako?
“Hindi magandang joke kase itong ginawa mo eh,”sabi naman ni Princess na umupo na sa hospital bed ko.
“Lucas?” Hindi rin ako pinansin at iniwan lang niya ako, sumunod din si Marky at si Glenn.
“Manang?”
“Bastos kang bata ka! Pinag-alala mo ko kala ko patay kana talaga! Hindi mo ba alam na aatakihin na ako puso dahil sa kalokohan mo! ......” nagsona na naman po si Manang at nginitian ko lang sya.
“Sorry Manang..hindi na po mauulit,” nilapitan ako ni Manang at ang akala ko yayakapin nya ako pero kinuha nya yung tenga ko at piningot nya ako.
“Araaaay!! Manang! Masakit po!” humihingi na ako ng tulong sa mga kasama ko dito sa loob pero tinalikuran lang nila ako, at kita ko parin na nagvivideo parin si Richard habang tawa ng tawa.
Tapos si Manang sinernonan na naman ako.
“Manang..tama na yan, kakagising ko lang oh..gusto mo naman ata na mahospital ako?”pagpapacute ko kay Manang.
“Tumigil kang Bata ka! Sinabi na ng doktor na fully recovered kana!” patay! Alam na nya..

Matapos ang nakakatawang eksena na yun, bumalik narin sila Lucas at Marky na may dalang pagkain.

“Kelan ka daw makakalabas?”tanong naman ni Jenny na katabi ni Richard.
“Ahh bukas daw,”sagot naman ni Richard.
“Ikaw ba si Bianca? Bakit ikaw sumasagot sa tanong ko?”
“Ehh kase ako ang nakakaalam,”
“Ehh bakit hindi mo kami inabisuhan na gising na pala si Bianca?”
“Ehh kase..nakiusap sya saken,”
“At talagang sinunod mo sya?”
“Oo, kase kaibigan ko sya,”
“So, okay lang sayo na bullyhin kita dahil sa kalokohan nyo?”
“Sige lang, susuportahan pa kita,”
Nanahimik naman si Jenny sa sagot ni Richard, hahaha. GoodJob Richard. Turo ko sa kanya yan.

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon