16

887 15 0
                                    

"Tara dito tayo!"excited na sabi ni Princess sabay hila saken. Sumunod naman sina Jenny at Anna na sobrang excited din.

Napatingin ako sa likod at nakita si Dad na hawak ang tyan nya. Napakonot nga ang noo ko.And I mouthed 'Are you okay?' tumango lang sya at ngumiti. Katabi nya si Manang na nakangiti rin at sinasabi ng tingin nya na mag-enjoy lang ako.

"Dito! Wow! I love this Dress! OMG!!!!" kinikilig na sabi ni Jenny habang nakahawak sa red-dress.

"Wooaah! Ang ganda Les! Yiiiee!" -Anna

"Wait lang! May nakita ako sa banda dun mas maganda!Let's go!" -Princess

At heto na naman po kami sa hatakan mode. Habang sila kinikilig sa mga magagandang damit na nakikita nila.Grabe sila..well, the feeling is mutual. Ako rin kinikilig.Hehe.Hindi lang halata.Pero ang dami kong gustong bilhin hindi lang ako makaalis sa pagkakahawak ni Princess saken.Grabe sya! Ayaw akong pakawalan. Hello? Gusto ko rin kayang bumili noh? May pera naman ako.

"Ehem!"pagkuha ko ng atensyon ni Princess na nakahawak parin sa braso ko.

"May plema kaba? Ilabas mo na dun sa C.r Bakla." -Anna
Nagtitingin sila ng nga Dress. Tapos ako heto? Nakabuntot sa kanila.Ano ako alalay?Aso? O baka naman Anino hindi ko lang mapagtanto na anino pala ako?-____-
Mukha ba akong anino?

"Baka gusto mo muna ako bitiwan Boy..nahiya naman yung braso ko sa paghila mo.Nagpapaalam na nga sya sa ibang parte na katawan ko na iiwan na nya ang mga ito eh." sarkastikong sabi ko sa kanya.
Ikaw ba naman hatakin ng hatakin simula nung nasa kwarto ako, hanggang ba naman dito sa department store sa mall. Grabe talaga! Kung makahatak pa naman sya parang hindi masakit eh.Hindi lang ako reklamadora. Ngayon lang.

"Pasensya naman! Namiss ka kaya namen.Kaya ayaw namen na mawala ka sa paningin namen.Hello? 2 days kang hindi nagpapakita samen noh? Alam mo naman kulang ang barkada pag wala ka."-Princess

Nakakatouchscreen naman. Naluluha ako sa speech ni Princess kahit busy sila sa pagtingin-tingin ng mga damit.

"Hindi ko naman kayo iiwan eh. Pakawalan mo na ako.Gusto ko rin pumili ng damit."

sa wakas pinakawalan na nya ako. Nag reunite na sila tuloy ulit at nagpaparty yung mga parte ng katawan ko na bumalik na si Braso.Edi wow!

"Boy!Girl!Les! Dun ako sa section na yun ha? May nakita akong maganda dun.Promise hindi ako mawawala."nakangiting pagpapaalam ko sa kanila.

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon