Marky's POV
"Itigil mo na nga yan! Kahit ilang beses mo pang lunurin ang sarili mo sa...alak?Alak ba 'to?"takang tanong ni Mama saken ng maabutan nya ko sa kusina at nakita ang iniinom ko.
"Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko ma..hindi mo alamAwww!"napahimas-himas pa ako sa ulo sa pagkakabatok ng nanay ko saken.
"Tumigil-tigil ka nga! Para kang tanga! Hindi naman alak iniinom mo.Coke lang pala yan!"
"Wag kang nangengealam maAww! Nakakarami kana Ma ha.."sakit talaga mambatok ng Mama ko.Grabe sya!
"Si Anna na naman ba?Haay! Wag kanang umasa..Maliit ka..Mahilig sa matatangkad yun. Kung kayo magkakatuluyan..anong magiging anak nyo?Unano?"
"Ma naman..parang hindi mo ko anak kung laiitin mo ko ha..Eh sayo lang naman ako nagmana ng height."
"Che! Anong height..asan ang height na namana mo saken?Asan? Hindi ko makita?"
"Ma naman..."
Nakakainis naman itong si Mama feeling 6 footer ehh..flat 5 lang sya..Samantalang ako 5'2.Nilapitan na ako ni Mama at tinabihan sa may lamesa.
"Anak naman, maliit man tayo sa kanilang paningin may panama ka parin.Gwapo ka kaya."pagmamayabang ni Mama na nakangiti.
"Tss.Maliit na bagayAww! Nay naman wag mo na akong babatukan kaya nagiging bopols ako pagdating sa pag-ibig eh."
"Kanina Ma..ngayon nay..anong susunod Mommy?"
"Hindi..daddy na.Oh!oh Ma..tama na nakakarami kana.Nag eemote ako dito tapos nang-iistorbo ka eh!"
"Anong emote? Eh may nag-eemote ba na umiinom ng coke kesa Alak?"
"Ehh..aanhin ko naman ang alak kung pagkatapos kong uminom sasakit din ulo ko, maalala ko parin pagka hindi nako lasing, magkakasakit ako. Atleast pag coke...mapapaisip pa ako ng tama."napatingin ako sa coke na iniinom ko na pinuno ko ng yelo. "Sana kung gaano kadaling magmahal ganun din ganon kadaling mag-move on."
"Drama mo! Pahingi ahAww!!"reklamo ng nanay ko ng pinalo ko ang kamay nya. "Aba talagang.."
"Ma..paano ba mag move on? Yung pag-ibig ko kase kay Anna parang traffic sa edsa.I can't move onAww! Nayy!!"
"Corny mo. Hugot ba yan o pick up line?"
"Pareho."
Nanahimik kaming dalawa ng nanay ko ng ilang minuto bago ako ulit nagsalita.
"Sya kase yung first love ko..at gusto kong maging first lahat.First girlfriend, first kiss,first hug, first.."
"Heartbreak..Hindi naman naging kayo ni Anna..pero kung makasabi ka ng move on parang naging kayo ha? ano yan? Piling mo kayo? Kaya kung makapag mukmok ka dyan wagas! Dinaig mo pa yung mga taong nasaktan ng mga syota o asawa nila. Ayos kang mag move on.Para kang sira..itigil mo na yan ah..hindi maganda ang sobra."
"Sobra..tama..lahat ng bagay na sobra hindi maganda, hindi nakakabuti.Parang yung pag-ibig ko kay Anna napasobra...kaya hindi na naging maganda ang naidulot nito saken."malungkot na sabi ko.
"Tss.Itulog mo na yan."
"Sana ang--"
"Marky!"
Napatingin kami sa kadarating lang na babae at dumiretso na sa kusina.
"Bianca anong ginagawa mo dito?"tanong ko at napatigil sa pag-inom ng coke.
"Ma..kausapin ko lang sya."pakiusap ko kay Mama.
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
Roman pour AdolescentsKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...