6

1.2K 22 0
                                    

He--”

*tut*tut*tut*tut*

Grabe! Binabaan ako, aba!Pa hard to get...yan naman ang gusto ko sa lalake eh.Hard to Get, Hard to lose..siguro sobrang sarap mong mahalin,kaya ang hirap mong kunin.Parang trophy lang yan, mahirap man kunin,marami mang dapat pagdaanan, sa huli masarap at sulit naman,

Pero alam mo bagay talaga sayo ang pangalan mong Mr.Suplado N. Sungit. Mr. Suplado Na Sungit.

*1 message Received*

Hi Miss, Bianca, I need your Advice.
Ako nga pala si Erika, may gusto akong lalake, gustong gusto ko talaga sya.Pero parang ang torpe nya.Gusto ko nga po na ligawan nalang sya, kase sabi ng mga kaibigan nya crush na crush nya ko, pero nahihiya syang manligaw.Ano ng gagawin ko? Piling ko kase ang pangit kung ako yung manliligaw sa kanya, at tsaka may umaaligid na rin na babae sa kanya at parang inaakit na sya.

Hindi naman mahaba text nito ha, pero infairness, inchendes, mercedes, nakarelate ako.

Nag compose na ako ng message para sa advice ko sa kanya.

Erika, Gaya ng sinasabi ko lagi, heto ay, palagay ko lang.Pero nasasayo kung gagawin mo o hindi.Ikaw parin naman ang masusunod.
Okay lang na manligaw ang babae sa lalake lalo na kung sobrang torpe ng lalake at nasa personality mo naman ang malakas at palabang babae, ipaglaban mo sya dun sa nang aakit sa kanya, hindi mo naman kailangan bigyan sya ng flowers, chocolate or what.Ako kase nanliligaw din ng lalake pero dinadaan ko sa kakaibang diskarte.Tayong mga babae, iba manligaw, kung sila sweet words, flowers o chocolate ang binibigay, tayo naman, dapat laging nasa tabi nya, yung ma feel nya na importante sya saiyo, na ayaw mo syang mawala sayo.Yung ipagtatanggol mo sya, yung hindi mo pagtataguan ng sikreto.Yung maging ikaw mismo sa harap nya.Walang halong kaplastikan, syempre dapat pakiligin mo rin sya at ikaw na ang mag isip ng bagay na magpapakilig sa kanya, pwedeng kantahan mo o bigyan mo ng Love Letter.Ikaw na bahala.Marunong din namang kiligin ang mga lalake.Pero hindi halata. :)
Sent...

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon