36

894 21 2
                                    

Princess' POV

"Hello? Ano na kamusta sila?"bungad na tanong ko kay Glenn na nasa labas ng bahay nila Lucas, water break na daw kase nila.

"Ayun, Lutang.Out of this world ang isip."walang ganang sagot ni Glenn.

"Wow! Ganda mo naman sumagot. Yun lang walang ibang happenings?"inis na tanong ko sa kanya.

"Mukha ba akong game show Host? May question and answer portion? Pwede ba Princess, wag ako ang tanungin mo hindi ako madaldal gaya nyong mga babae.Anong akala nyo saken, maraming sasabihin? Wow! Hindi ako ganun. Wala akong sasabihin na kahit ano sayo."inis na inis na sabi nya.

"Wow! Nahiya naman ako sa linya mo. Hindi ka pa pala madaldal sa lagay na yan. Paano pa kaya kapag dumaldal kana, baka 2000 words na ang lumabas sa bibig mo."pang-asar na sagot ko sa kanya.

"Tss. Ayun yung tanungin mo si Richard!"iritadong sabi nya saken.

"Hm!"saka ko sya sinuntok sa braso nya sa sobrang inis ko sa kanya.

"A-ray! Kailangan talaga nananakit? Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae."inirapan pa ako.

"Thank you!"pang-aasar ko pa tsaka ko tinalikuran at pinuntahan si Richard na may kausap naman sa phone.

"Mamaya nalang Princess kausap ko si Jenny."saway nya saken na magsasalita palang ako.

"Pfftt hahahahaha."tawang-tawang sabi ni Glenn kaya tiningnan ko sya ng masama at nilapitan agad.

"Anong nakakatawa?"naiinis na sabi ko.
Kung makatawa naman! Nakakairita ha!

"Wal-Pffffftt hahahahaha."pagpipigil sa sarili nya sa pagtawa.

"Hmm!"

"Awwwwwwww!!!"sigaw nya habang hawak hawak yung binti nya na sinipa ko.

"Buwisit! Sana makatawa ka pa bukas kapag naging lumpo kana sa kakasipa ko.Sige tawa pa." ayaw na ayaw ko pa naman naririnig tawa ng maarteng lalakeng ito! Nabubuwisit ako.

"Princess!!!"sinubukan nya akong habulin pero hindi nya ako mahahabol kase nga i-ika-ika sya.Buti nga! Ganda kausap eh.

"Ano? Makikipag-usap kana ba ng maayos ha?"mataray na tanong ko sa kanya.

"Haish!!!"tsaka nya ako hinila sa braso at hinila palapit sa kanya.

"Bitiwan mo ko! Kung gusto mo pang makalakad ng maayos."banta ko sa kanya.

"Teka lang kase naman, kahit kelan talaga ang pikon mo eh, sadista pa. Heto na sasabihin ko na."nakangiting sabi nya saken.

*Gulp*

Bakit parang....may effects sa gilid nya na nagpatingkad ng ngiti nya?

"O-o-oh a-a-anong sa-sa-sabihin m-m-mo?"
bakit bigla akong nautal?

"Anong nangyare sayo? Nautal kang bigla?"pang-aasar nya pa.

"Aayusin mong magsalita o lulumpuhin na kita?"inis na sabi ko, balik sa dati?

"Oo na, ginagawa na ni Lucas yung napag-usapan."bored nyang sagot pero kitang-kita parin yung pang-inda nya sa sakit ng pagkakasipa ko sa kanya.

"Mabuti naman, kala ko iibahin nyo ang plano ni Anna, kapag ginawa nyo yun lagot kayo saken."

"Takot ko lang sayo."

"Buti naman natatakot pa pala ang Glenn Guevarra."

"Sayo lang ako takot eh."

"Tss.Bitiwan mo na ako! Hindi ako tungkod!"utos ko sa kanya na hanggang ngayon nakahawak parin sa braso ko.

"Sungit mo naman."biglang bitaw nya at hinihimas yung binti nya.

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon