Yes!!!!! Tapos na ang Pre-Lims..U-Days na!!
Party People! ^_______^
Matapos ang sakit ulo, bawas laman-utak, ubusan ng energy, dagdag-eye-bags, duguan ilong at utak natapos ang Heart-Brain-Money-Breaking Exams week Whoo!
Ang hirap pag third year kana.Pahirap ng pahirap.
Hindi lang laman ng utak nauubos pati pera.Habang pinupuno mo ng mga information ang utak mo, kailangan pati tiyan mo may laman din.Review dun, kain dito, Review dito kain dun.Okay tama na!
Kailangan maghanda na.
Ngayon na yung first day ng U-Days! 4 days lang kase yung U-Days, hindi pa ginawang 1 week para sulit yung pahinga ng utak namen. Pati sa bakasyon ang damot ng mga prof.Grabe lang diba?Naghahanda kaming pare-pareho para sa event today.
Cheerdance sila Ann, Jenny at Princess.
Si Juan, sa Pageant.Practice..
Si Marky, sa Photobooth.
Si Richard at Glenn sa Marriage Booth.
Si Lucas na kinuhang Judge sa Musical Play.
Si Sebastian na busy(ing)-busy sa pag-iikot para kamustahin yung mga booth at mga kasama nya kung okay na ba ang lahat.At ako, na kasama si Marky sa Photobooth.Hehe.
Mamayang 5pm.Cheerdance.
Tapos ng Cheerdance, tutugtog kami.Heto yung paraan nila ng pagwelcome sa mga freshman at transferees"Bianca..okay na ba ang lahat?"tanong ni Marky na kadarating lang.
"Oo naman.Uy! Diba sina Richard at Glenn yung nasa Marriage booth pwede bang mag parequest ako?"
OmyGosh! Hihihihi."Alam ko na..ipapahuli mo si Sebastian at ikaw?Tss..Miss Bianca busy si Sebastian sa event na 'to."
"Alam ko alam ko..ehh.sige na.Minsan lang naman mangyare 'to eh.Sige na..Tulungan mo ko..Marky..tapos tutulungan kita kay Anna."panunukso ko kay Marky.
"Hindi na pwede si Anna..may nanliligaw na sa kanya."
Nagulat ako sa sinabi ni Marky, bakit hindi ko ata alam yun?"Talaga?!!Bakit hindi ko alam yun!Wala silang sinasabi saken."
Ang daya ng Babaeng yun!Hindi nagkukuwento."Paano nila ikukuwento sayo, ang busy-busy mo...Minsan lang kayo nagkita yung nag group-review tayo sainyo pero..busy parin kayo."nag-aayos ng camerang sabi nya.
"Kahit na!Dapat sinabi nya parin kahit sa text o tawag lang.Pag nakita ko yung mga yun, sasabunutan ko sila.Kaloka! Sino kaya yung nanliligaw sa kanya?Naiintriga ako.Ehh pero Marky, nakita mo na ba yung nanliligaw sakanya?"nakaupong sabi ko habang nakasalukbaba sa lamesang nasa harap ko.
"Hindi pa nga eh, pero pag minsan makikita ko na may nagbibigay sa kanya ng flower, o kaya chocolate , minsan naman kausap nya sa phone at nakangiti pa sya.Minsan naman, lumalabas sila.Nakakainis nga hindi ko alam kung sino sya..Napakamisteryoso nya."naiinis na sabi ni Marky.
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
Teen FictionKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...