29

774 17 4
                                    

Princess' Pov

"Hay! Buti nalang nadala ka namen agad dito. Kinabahan talaga kami."-Marky

"Salamat."nakangiting sabi ni Anna.

Napatingin naman si Marky sa relo nya.
At parang may naalala.
"Haish!! Si Bianca pala!Sige na una na ako.Balitaan nyo nalang ako."nagmamadaling sabi ni Marky at lumabas ng room ni Anna.

"Aalis lang ako saglit ha Anna, bibili lang ako ng pagkain."

"Siguraduhin mong hindi expired yung ipapakain mo sa kanya."mataray na utos ko.

"Wag kang mag-alala hindi ko gagawin yun."tsaka sya umalis ng kwarto ni Anna.

Malungkot lang ang mukha ni Sebastian, pero hindi mo alam kung dahil sa nangyare kay Anna o dahil sa pagbabago ni Bianca?
Kase..okay lang sa kanya na sabihan sya ng ganon ni Marky kanina.

Boyfriend kaba nya talaga?Bakit hindi mo alam na expired na yung kinakain nya? O baka naman sinadya mo yun?! Kung may galit ka sa kanya wag mo syang lasunin!

Yan yung sabi ni Marky kay Sebastian, pero tahimik lang si Sebastian.

Sabi kase ng doctor, nakakain sya ng expired na pagkain or sira.
At ang sabi ni Anna nakain nya yung expired na chocolates.
Haay! Magbibigay nalang nga si Sebastian ng chocolates expired pa! Nakakainis!

"Salamat Les, Boy..may concern parin pala kayo saken."nakangiting sabi ni Anna.

"Nakuu! Hindi ko alam kung sino ang babatukan ko kung ikaw ba o si Sebastian eh! Imagine! Binigyan ka nya ng chocolate!!Okay na sana sweet sya..pero yan ba yung sweet?Nilalason kana?!"naiinis na sabi ni Jenny.

"Wala syang kasalanan..hindi nya binigay yun.Nakastock lang yung sa closet ko.Naisipan ko lang kainin."nahihiyang sabi ni Anna.

"Nakuu!!sa sobrang katakawan mo sa chocolate hindi mo na tinignan kung expired na ba o hindi.Nakuu!! Naiinis ako sa katangahan mo!"naiinis naman na sabi ko.

"Sorry na.Nakakatawa talaga kayong mag-alala."natatawang sabi nya.

"Aba talagang! Tinatawanan mo kami.Tara na nga Les!"hinila ko na si Jenny para umalis ng room ni Anna.

"Teka lang! Wag nyo kong iwan dito.......May aaminin ako."nahihiyang sabi nya.

Napaharap naman kaming dalawa ni Jenny kay Anna na nakaupo na sa kama nya.
Lumapit naman kami at tinignan sya.

"Aaminin?"tanong agad ni Jenny.

"Oo..wag na kayong magalit saken.Nakakamis kaya kayo..hindi ko rin naman gustong masira ang lahat eh.Ginawa ko lang ang utos saken."napayuko na sya at may pumatak na luha sa mga mata nya.

"Teka?Utos?! Anong utos? Sinong nag-utos?!"naguguluhang sabi ni Jenny.

Ako rin nga eh naguguluhan...Sumunod sya sa utos? Nino?

"Haay...pakisarado muna yung pinto.Baka dumating si Sebastian..hindi nya muna pedeng malaman ang gusto kong mangyare."utos samen ni Anna kaya ako na agad ang nagsara at agad bumalik.

"Oh..simulan mo na.Makikinig kami sa kwento mo.Siguraduhin mong kapani-paniwala na may nag-utos lang sayo."masungit na sabi ko sa kanya.

"Okay..nagsimula ito.Nung.....first day of class. Isa akong MatchMaker..at yun ay hilig ko lang.May website ako na ang title ay Find your Perfect Match at ako ang naghahanap ng mga match na bagay sa kanila kaya nga late na ako nakakatulog at late nagigising kase magdamag ako nakaonline habang kumakain ng chocolates.Nagkataon..nag chat saken yung daddy ni Bianca hindi ko alam kung paano
at bakit..ang sabi nya magkita daw kami. Nagkita kami..at nakilala nya ako...
Nakiusap sya saken na..panghanap ko daw ng lalakeng pwede kay Bianca..yung mapapalitan si Bayo na kababata nya sa buhay nya.Ang sabi nya maganda ang anak nya at maraming lalake ang pwedeng magkagusto sa kanya. At mahanap ang lalakeng para sa kanya. Katrabaho din sya ni Daddy..at malaki ang utang na loob namen sa kanya dahil sa dami na ng naitulong nya.Kaya pumayag ako..pero...nakahanap na ng lalakeng mamahalin naman itong si Bianca.Kaya hindi na ako nahirapan, pumayag pa kayo..
Pero...kinausap ako ulit ng daddy ni Bianca..yung..iniwan ko kayo at sabi ko may pupuntahan ako.Nalaman ng daddy ni Bianca na may nililigawan syang lalake. Ang sabi nya..i-test ko si Bianca...napaisip nga ako..anong klaseng test ang gagawin ko? Pero siniswerte ako..kase napapansin ako ni Sebastian.At sinimulang bigyan ng simpleng sulat..flower..ng hindi alam ni Bianca o kayo..At yun! Humingi ako ng tulong sainyo...na maging misteryosa ang kilos naten kapag napag-uusapan si Sebastian o kapag mahuhuli nya akong binibigyan ng flower. Ang naisip ko nun..kung mahal talaga ni Bianca si Sebastian at hindi infatuation lang..ipaglalaban nya.Pero..iba ang nangyare..."

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon