3

1.7K 31 0
                                    

"Ha..."sabay-sabay nilang paghinga ng malalim.Matapos ang, 20 seconds na pagtili? MyGoodness! Buti nalang ready agad ako kung hindi nabingi na ako.
Susunod talaga bibili na ako ng packaging tape,para agad kong matatakpan ang mga bunganga nila.

"Ang gwapo in person, mygosh!" kinikilig na sabi ni Princess.

"Sebastian Vergara,third year student, accountancy, transferee, single, valedictorian nung highschool, favorite subject Math,favorite color black, favorite food menudo, favorite tam---"

"Teka!teka!teka! Alam mo talaga lahat ng details about sa kanya ha Girl?" nagtatakang tanong ko, grabe, iba talaga magresearch 'to pagdating sa boys, daig pa ang mga detective sa paghanap ng mga important details.

Nag-grin lang silang tatlo, mukhang silang tatlo ang nakakaalam.Hayyy -________-

"Nalaman ko yun kanina dahil sa mga tsismosa ng school nato,"

"Ah...kaya pala," sabi ko sa kanila tsaka kumagat ng burger.Kanina ko pa 'to kinakain, mukhang hindi nauubos ha? Yung pinadala ni Manang naubos kanina habang nasa loob ako ng kotse.

"Bakla! crush mo ba?" Jenny chimed in.
Nabilaukan ako bigla, binigyan naman nila agad ako ng tubig.
Bakit sa akin naman napunta ang usapan?

"Malamang Les, kung makapaglaway eh parang hinuhubaran na nya sa isip nya," birada ni Anna.

"Wow ha? ang green naman. Hindi naman ako ganun. Nagugutom lang ako kaya naglaway ako." dipensa ko, totoo namang nagugutom ako kulang kase yung pinabaon ni Manang eh.

"Nag-laway dahil sa gutom, tapos sya ginawa mong ulam? ayos ka din magpalusot eh noh?" sabat naman ni Princess na papainom ng ice tea.

tumawa naman silang tatlo. Grabe! pinagtulungan ako. T___T di nalang ako nagsalita. Dati si Anna yung madalas nameng pagtulungan, ngayon ako? Aba matinde!

"Oh girl, boy eto deal naten tutal ngayon lang NAINLOVE si bakla ehh..hayaan na naten sa kanya, basta ba mapasagot nya," sabay winked saken ni Jenny.
Kailangan talaga i-emphasize yung Nainlove? Bakit? Kelan ba ako ulit nainlove? Hindi ko rin matandaan...siguro noong bata pa ako?

"Deal/Deal!!"sagot ng dalawa na nakipagshakehands pa kay Jenny.

"Teka..!"pagtututol ko sa kanila.

"Ano na naman? hihirit ka pa na hindi mo sya gusto? aba bakla! babatukan ka namen isa-isa," nag aasta pa talagang itong si Princess na batukan ako. Buti nalang malayo ako sa kanya atleast hindi ko matitikman ang matinding pambabatok nya.

"Hindi...ano kase..." napayuko ako, nakakahiya kaseng sabihin eh. Sasabihin ko pa ba sa kanila? Bahala na.

"A-anong gagawin kong moves para mapasagot sya?" nahihiyang tanong ko, napakamot pa nga ako sa ulo at napayuko dahil ayaw kong makita reaksyon ng mga mukha nila.
Pumikit ako ng ilang segundo, kase baka mapagsabihan ako or magkaroon ng SONA dito at malate kami sa klase.
Pero lumipas ang ilang segundo, hindi ko sila narinig nagsalita, kaya minulat ko ang mga mata ko. Kala ko nga iniwan na nila ako eh, pero hindi.
Ganito ang reaction nilang nakita ko sa mga mukha nila.

"0_______o" ---Anna, habang nakatingala at nakahawak pa sa baba nya.

"?______?"----Princess, reaksyon ng mukha nya at nakatingin lang saken pero parang ang layo ng iniisip.

"=_____="-----Jenny, nakayuko lang sya habang nakahawak sa sintido nya.
Nag-iisip daw sila, akalain mong meron sila non.

"PICK UP LINES!"sabay sabay nilang sabi na ikinagulat ko.

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon