Thursday(4th Day)
Tanghali na ako nagising, dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.Palagi kaseng bumabalik sa isip ko yung mga bagay-bagay.
Tulad ng? Hmm..yung sa Gym, yung sa room, at sa playground? Haish!!!Agad-agad akong tumayo nung nakita ko yung alarm clock ko.
"May pasok pa ko!"pumunta agad ako sa closet ko na hindi mawala yung ngiti sa labi ko at pagiging good mood ko ngayon umaga.
Sa paghahanap ko ng maisusuot, may nalaglag na isang bagay.
Ng mapatingin ako sa paanan ko nakita ko yung kwintas.
Napatigil ako sa paghahanap at pinulot yung kwintas, kahoy na kwintas na may nakaukit na "Bayo"Pinagmasdan ko lang sya ng ilang minuto at nakaramdam ng lungkot.
"Mataga-tagal narin pala nung huli kitang hinanap, pasensya ka na Anay...kung natagalan ako. Ang unfair sa part mo na ako masayang-masaya pero ikaw naghihintay parin."
Napabuntong hininga nalang ako at ibinalik yung kwintas sa closet ko.
Tsaka dumiretso ng banyo para maligo, sa pagbagsak ng tubig sa ulo ko yun din ang naging simula ng pagbagsak ng luha ko.
Nasasaktan ako, hindi ko alam kung bakit o ano ang dahilan. Basta yung nakita ko yung kwintas. Ang masayang puso ko, napalitan ng lungkot.
Hindi ko alam kung lungkot ba dahil sa pangungulila ko kay Anay o lungkot na kailangan ko ng tigilan si Bianca?Matapos akong mag-ayos, ay bumaba na ako.Wala ako sa mood pumasok pero kailangan.
Inilabas ko na yung kotse at bumaba saglit para isara yung gate. Nakita ko sya na kalalabas lang din ng bahay. Kahit papaano, napangiti ako sa loob-loob ko.
Nilapitan niya agad ako ng papasakay na ako ng kotse.
"Uy! Okay kana ba?"masayang tanong nya saken sabay tapik sa balikat ko.
Nakaramdaman naman ako ng tuwa, dahil sa concern nya saken. Pero...pinigilan ko..(A/N: yung naka "( )" naka ganyan. Konsyensya nya yan hahaha.Pasingit lang.)
"Miss Cordova, baka namimis-interpret mo ang mga bagay-bagay.That night is just a simple night for me.(Sinungaling! Napaka-importante sayo ng gabing yun).Walang ibang meaning ( lahat ng oras na kasama kita Bianca may meaning sakin) Kung inaakala mo na magiging close tayo dahil sa pagbibigay mo ng payo at pagdamay saksn nagkakamali ka (Ikaw ang may mali Sebastian). Hindi isang kaibigan ang turing ko sayo, kung hindi isang guidance counselor lang na hinihingian ng advice (Tama na!Sebastian) Yun lang..Classmate and neighbor lang tayo.(Sabi ng itigil mo na yan eh!) But we're not even friends.Sana maliwanag sayo yon.( Ang labo mo talaga!Gusto mo sya diba? Pero bakit mo sinabi yun?)
Agad na akong sumakay at nagdrive paalis.
Sa kanto palang, napahinto na ako at napahampas ng malakas sa manibela.
"Arrrgghhhhhh!!!!"
Naiinis ako sa sarili ko.
Sobrang naiinis ako!!Gulong-gulo na talaga ako!
Bakit ko ba nasabi yun?"Sorry Bianca."I whispered to myself.
And dumiretso na ako ng school, at pumasok sa mga klase ko. Nakakawalang gana, piling ko magkakasakit na talaga ako. Ang saya pa naman nya ng makita ako tapos ganon lang sinabi ko?
Pagkatapos ng klase ko naglalakad-lakad lang ako sa campus, ayaw ko pang umuwi maaga pa nang mapansin ko si Bianca na pumasok sa music room.
Ang sabi ng isip ko tigilan ko na sya, ang sabi ng puso ko sundan mo sya. Kaya sumunod yung mga paa ko papunta sa music room.
Hindi ako pumasok nananatili lang ako sa gilid at naghihintay ng walang dahilan.Hanggang sa nakarinig ako ng tugtog mula sa piano at maya-maya ay isang malamig na boses na kumakanta ng Forevermore.
Napalunok ako at napangiti.
Bianca S. Codova
-Girl pick-up
-Gorgeous
-Sexy
-kikay
-Ms. Encourager
-mahilig sa cookies
- Marunong mag-piano at maganda ang boses.
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
TeenfikceKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...