My Dear Mr.Sebastian Vergara,
Ano bang meron ka bakit ako nagkakaganito?
Marami namang iba dyan pero sa'yo lang ako nakaramdam ng ganito.You're Single, I'm Single.
Coincidence? I think not! Tayo talaga nakatadhana sa isa't-isa.Alam mo ba sabi ng Doctor ko, Takot daw ako sa commitment..gusto mo ba na ipakita sa kanyang mali sya?
Sana payagan mo ko na ako nalang magbayad ng tuition fee mo, basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.
God gave us two ears, two eyes, two legs and two hands, but he only gave one heart and wanted me to find you and tell you, you are the second one.
Kung hindi man ako ang magustuhan mo, at may iba ng nilalaman ang puso mo handa akong maging basurero, para kapag binasura ka nya ako nalang ang pupulot sayo.
Minsan naiisip ko, sana magkasama tayo sa pila, para pag may sumigaw ng "Next" at hindi mo narinig tatanungin mo agad ako, "Tayo naba?" Hihihihihi.
Okay tama na, sa sulat palang yan nakakakilig na paano pa kaya kapag sinabi ko na sayo baka himatayin ka. Kapal ko! Hahaha.
Your Future girlfriend,
Bianca Cordova"Kyyyaaaa! excited nakong pumasok bukas,"
Matapos kong maisulat yung Diary kuno ko, nag unat unat ako at napahawak sa bulsa ng palda ko."Yung panyo,"
kinuha ko at nakaisip na naman ng weirdong ideya ng makita ko ang blankong dingding sa kwarto ko.
Gumana na naman ang pagiging creative ko. Dinesenyo ko yung dingding na yon, tapos..naglagay ako ng kung ano-anong palamuti.
sa taas idinikit ko ang isinulat ko sa.papel na things to remember sa baba yung panyo na inamoy-amoy ko muna bago idikit baka kasi kumapit amoy ni Sebastian hihihi. tapos sa baba, nagdikit ako ng sticky note at isinulat yung dalawang pick up lines na sinabi ko sa kanya kanina.hihihihi
Matapos kong gawin ang lahat ng yun, humiga ako sa kama ko at kinuha agad yun laptop ko para tingnan yung mga nag message na nanghihingi ng Advice.
Hi Miss E.Tanong ko lang po, Ako po pala si Jessica, naguguluhan po kase ako eh.May nanliligaw saken, gwapo sya, mabait at crush ko po talaga sya.Pero po, umamin narin po ang kaibigang kong si Christian na matagal na nya akong gusto, sino pong pipiliin ko sa kanila.Sino po yung bibigyan ko ng Chance?
Napabuntong hininga nalang ako.
Love Advice na naman, may nakukuha ba talaga sila saken? O niloloko lang ako ng mga 'to?
"Hi Jessica, Sino ba ang mas matimbang?heto ay tingin ko lang ah.
Ang malaking tanong lang naman eh, bakit ka naguguluhan kung may gusto ka naman pala sa crush mo at gusto ka rin ng crush mo?Ibig sabihin, yung nararamdaman mo sa Crush mo ay Infatuation lang, samantalang sa kaibigan mo e Pagmamahal na higit pa sa kaibigan.Kung wala ka naman kaseng nararamdaman sa kaibigan mo, hindi ka maguguluhan.Yung crush mo na agad ang papayagan mong manligaw sayo,Hindi ba?Piliin mo ang taong kilala mo na kesa sa taong bago mo palang kakilala, atleast alam mo na paano makisama sa kanya at alam mo na ang lahat sa kanya :)"
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
Fiksi RemajaKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...