Narrator's POV
"Les! Paano nyan?kasali din tayo sa Cotillion tapos andun sila Glenn at si Bianca.Mag sorry na kaya tayo..hindi ko na kaya."- Princess
matagal ng gustong humingi ng tawad ni Princess kay Bianca..simula ng umalis sya sa rooftop na umiiyak..."Anna , Sebastian anong nangyare paano nya nalaman?"tanong ko ng makaalis si Bianca at sumunod yung Val na yun.Kelan pa sila naging close?
Tahimik lang yung dalawa, at inalis naman ni Sebastian ang pagkakahawak nya sa kamay ni Anna. Nag-iba din ang aura at reaksyon sa mukha nya. Hindi ko alam kung nasasaktan ba sya o nagagalit
"Lalabas lang ako saglit Anna."paalam nya at iniwan kami ni Sebastian sumunod narin ang ibang estudyante..kaya natira kami dito sa rooftop
"Girl?"tawag ni Jenny pero kahit ako hindi namen mabasa ang iniisip nya. Nakangiti pa sya. Ewan ko kung masaya ba sya na nasaktan nameng lahat si Bianca o may iba pang dahilan.
"Success."ang tanging lumabas sa bibig nya.At sobrang lapad ng ngiti nya.
Pero hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko sya.Ako ang nasasaktan ng sobra para kay Bianca.
"Bakit mo sinagot si Sebastian?!!!Ang sabi mo lang samen, tinetest mo lang si Bianca kung ipaglalaban nya ba si Sebastian sayo.Pero... Tingnan mo yung ginawa mo! Sabi namen wag syang sasagutin! Hayaan mo lang na malaman ni Bianca na nanliligaw sayo si Sebastian..tapos..heto? Sinagot mo sya?Grabe ka! Ang sabi mo lang...na tulungan ka namen na maging misteryosa ang kilos namen kapag nandyan sya para makapansin naman sya na may tinatago tayo sa kanya. Ayan! Alam na nya..pero ang nakakainis sinagot mo sya? Ano ba talagang gusto mong patunayan ha?!"naiinis at pasigaw na sabi ko.
BINABASA MO ANG
YOU are MINE(Completed √)(Unedited)
Teen FictionKung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili mo at mapapa-ibig din kita. Ako ata si Bianca Cordova. ang babaeng walang inuurungan. (Babala: Wag mo...