10

1.1K 19 0
                                    

Ilang beses na akong papalit-palit ng pwesto sa kama ko pero hindi ko parin makuha ang gusto kong pwesto.

Arrgghh!Nakaka---kilig talaga!!

"Ayyyyyyyiiiieeeeeeeeeeeeeeeeee!!!"

Grabe! Sebastian ko hindi mo ata ako patutulugin ngayong gabe!

Kase naman eh! Paulit-ulit bumabalik lahat AS IN LAHAT ng nangyare kanina.
Simula ng bigla mo kong Yakapin
Hanggang sa pamamaalam mo.

Kinuha ko naman ang unan ko at tinakpan ko ang bibig tsaka tumili...

"Aaaaaayyyyyyyyiiiiiiiieeeeeeeeeee!!!"
OhMyGosh!!!
Piling ko sinagot na ako lalakeng nililigawan ko!!
Waaaaahh!

Nang mapatingin ako sa wall clock na winnie the pooh na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.

"Ano?! 3am na?!MyGosh! May pasok pa ako bukas.Matulog kana Bianca makikita mo pa si Sebastian mo bukas, grr!" kinikilig na sabi ko sa sarili ko at napahiga na.

-----------------------------------------------------------

Gumising ako ng 5am.
Ewan ko, hindi talaga ako makatulog ng maayos. Kase naman eh! Pinuyat nya ako sa pagpapakilig nya kagabi.

Excited na excited akong naligo, nag-ayos, nagpabango at umalis ng bahay.
Hindi ko na nga nakausap yung mga bestfriend ko kase sya agad nasa isip ko.Haaayy..First time mangyare ang lahat ng ito saken.First time manligaw ng lalake, First time mayakap ni Crush, First time mainlove ng ganito..at piling ko lalo pang lalalim ang pagkagusto ko sa kanya.

Dali-dali akong dumiretso sa classroom namen, inayos ko narin ang upuan ko at upuan nya.Ewan ko masyado ata akong...OA? Haayy basta..masaya ako..sobrang saya!

Napatingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras.

10:25
Thurs, November 5 ,2015

"Haay..may Five minutes pa," napabuntong hininga pa ako at napasalukbaba sa armrest ko.

Tapos tiningnan ko ulit.

10:25
Thurs, November 5,2015

Napatingin ako ng matagal hanggang sa maging 10:26 yung time.

"10:26, thursday, November 5, 2015."
napatigil ako at tiningnan ng mabuti yung time.
Paulit-ulit kong binasa, yung time, day,month,date,and year.
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko.

"Hindeee!!! Ahh!!Thursday pala ngayon..Hindi ko sya kaklase!" napasigaw na ako sa sobrang inis. -_______-''
Nagpakapuyat pa ako at agad gumising sa pag aakalang kaklase ko sya.Kainis!!
Antok na antok pa naman ako!
Arrrhhhhhh!!!!-________-''''

Napasabunot na ako sa sarili ko, habang unti-unti naring dumarating ang mga kaklase ko.
Nalungkot ako bigla, nawala yung saya na nararamdaman ko.
At dinadapuan na ng antok.

Ahhhh..... Kakaantok.

"GoodMorning Class..."

Pahina na ng pahina ang boses ng prof namen, pumipikit narinnang mga mata ko dahil sa antok, hindi pa ako nakapag kape kanina nawala sa isip ko na kunin kanina.

Bangag...

Zzzzzzzzzzzzz

Napanaginipan ko ulit yung kagabi..
Haaayy..paulit-ulit.
Paulit-ulit.
Pero hindi ako nagsasawa..
Sebastian..
Sebastian..

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon