Chapter 17 [Unang Hakbang]

2.1K 65 16
                                    

"Ano yun? Anong ginawa mo, Jewel? Balak mo bang sirain ang plano?" May galit ngunit pabulong na sabi ni Dimitri.

Nakatungo lang si Jewel. Nagsisisi siya dahil hindi niya napigil ang sarili kanina. Alam niyang maaaring maging mitsa iyon ng kanilang kapahamakan. Sasagot na sana siya nang biglang tumayo ang kambal.

"Lalabas na muna kami." Pagpapaalam ni Siri sa paraang may halong galit.

"Bakit? Kailangang makinig na kayo sa usapan para alam niyo ang nangyayari." Sabi ni Trevor.

"Mas iintindihin ko ang kapatid ko kesa sa mga kalokohan niyo." Sabi nito. Ngunit ngayon ay mas bakas na ang galit.

"Siri, hindi mo naiintindihan--"

"Ang alin?" Putol ni Siri kay Dimitri. "Alin ang hindi ko naiintindihan? Na sinaktan mo ang damdamin ng kapatid ko?"

"Tama na, Siri. Lumabas na lang tayo." Mahinang aya ni Riri sa kapatid.

Kumunot naman ang noo ng magkakaibigan sa narinig. Lahat ay nagtataka kung ano ang sinabi ni Siri.

"Siri, makinig ka na muna, please." Ani Dimitri.

Umiling-iling lang ang dalaga.

"No! Masama ang loob namin sa 'yo. Hangga't maaari ay lalayo muna kami dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo." Galit na sabi nito saka hinila ang kapatid palabas ng silid.

Hindi na nagawang pigilan ng magkakaibigan ang dalawa. Nakatingin lang sila nilabasang pinto ng mga ito.

"A-anong sinasabi nun, Dimitri?" Pag-uusisa ni Clarity.

Inayos muna ng binata ang salamin sa kanyang mata bago tumikhim at sumagot.

"W-wala 'yun." Nauutal na sabi nito.

"Pero--"

"'Wag na nating pag-usapan 'yun, okay? May mas importanteng bagay tayong dapat pag-usapan." Bulalas ni Dimitri.

Napatungo naman si Clarity at wala nang nagawa pa. Isinara na lang nito ang bibig.

Tumahimik ang paligid. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita muli si Dimitri.

"Mahihirapan tayong mag-usap dito. Tara sa tabing-dagat."

Pagkasabi noon ay tumayo na sila at nagpaalam kay Aling Susana na pupunta sa tabing-dagat para magpahangin.

"Kailangan na nating makaisip ng paraan para mapuksa ang kulto." Saad ni Dimitri.

"Oo nga. I am afraid, kasi T.C.K.U.A as in They Can Kill Us Anytime! Ayoko pang ma-dead 'no!" Sabi ni Bree, bakas ang takot sa kanyang boses.

Natahimik sila. Pare-parehong nag-iisip kung ano ba ang gagawin para patayin ang mga kampon ng demonyo.

"Sa dami nilang iyon, kailangan natin ng malaking armas. Ng baril... O di kaya naman ay ng bomba. Pero ang problema, saan tayo kukuha ng ganun?" Ani Jewel.

"Bomba?" Napatingin sila sa nagsalitang si Trevor. "Tama… Bomba!"

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? May bomba ka ba? May alam ka bang pagkukunan ng bomba?" Kunot ang noong tanong ni Jersey sa kaibigan.

Tumingin muna si Trevor sa kanila saka tumango.

"Meron."

"Saan?" Halos sabay-sabay nilang tanong. Napaayos rin sila ng tayo na animo ay nabuhayan ng loob.

"Sa van!"

----***----

Maynila. Sa bahay ni Trevor.

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon