Ang Biyahe.

4.8K 79 5
                                    

Abala sa paglalagay ng libro sa kanyang bag si Jewel ng makarinig ng sunod-sunod na busina sa labas ng kanilang bahay. Tinigil niya ang ginagawa at sumilip sa bintana, tumambad sa kanya ang kulay itim na Toyota Hi-ace, ang kotse ni Trevor, ang playboy sa grupo. Hindi naman talaga iyon ang sasakyan ni Trevor, isang red Ferrari ang sasakyan nito pero kapag may lakad silang labing-isang magbabarkada ay itong Toyota Hi-ace ang ginagamit nila dahil malaki ito.

"Busy ka pa ba sa pagrereview? Tara na!" Nang-aasar na sigaw ni Lavander habang ngumunguya ng bubble gum. Red na red ang lipstick nito. Napaka-revealing ng suot nitong pink bra na pinatungan ng black na leather jacket na nakabukas ang lahat ng butones at mini skirt. Nakared boots siya na may  mataas na takong. Maganda si Lavander at mayaman. Ito ang flirt sa kanilang magbabarkada.

"Bababa na ako!" Ganting sigaw ni Jewel at nagmamadaling lumapit sa kanyang bag at sinara iyon. Sinukbit niya iyon sa kanyang balikat at saka nagmamadaling lumabas sa kanyang kwarto.

"Aalis ka na, anak?" Awat na tanong sa kanya ng mama niya nang palabas na siya ng pinto.

"Opo eh." Sagot niya at nagmamadaling lumapit sa ina saka humalik sa pisngi. "Babalik po kami pagkatapos ng sembreak. Bye ma, I have to go, iniintay na nila ako sa labas." Mabilis na paalam ni Jewel at tatakbo na sana palabas ng pinto ng tawagin ulit siya ng ina.

"You forgot your glasses." Sabi nito at itinaas ang hawak na eyeglasses.

"Oh, geez! Thanks sa pagpapaalala ma!" Nakangiting sabi ni Jewel at kinuha ang eyeglasses sa kanyang ina. Niyakap niyang muli ito. "I love you mama."

"I love you too." Sagot ng mama niya. Isang busina ang nakapaghiwalay sa kanilang pagyayakap. "Sige na. Hinihintay ka na nila."

"Okay ma, bye! I will miss you." Sabi ni Jewel at tumakbo na palabas sa kanilang bahay.

"Gosh! WTYSL as in what took you so long? Grabe ha! We make hintay for you for almost twenty minutes." Maarteng sabi ni Bree. Palibhasa mayaman at sunod sa layaw kaya conyo magsalita.

"Sorry, okay?" Nahihiyang sabi ni Jewel at inihagis ang dala niyang bag sa may likuran ng sasakyan bago sumakay. Dun kasi ang pwesto niya. "Let's go!" Sabi ni Jewel ng makaupo na siya sa likuran katabi ni Dimitri.

Nagsakayan na rin ang iba sa kotse.

"Tara na, dadaanan pa natin yung kambal." Sabi ni Trevor at saka ini-start ang kotse.

"Hi!" Bati ni Dimitri kay Jewel.

"Hi." Bati rin ni Jewel sa kaibigan.

"Dala ko nga pala yung hinihiram mong book."

"Talaga?" Naibulalas ni Jewel.

Ngumiti si Dimitri at kinuha sa kanyang bag ang librong Paper Towns. Iniabot niya iyon kay Jewel na kasalukuyang kumikinang ang mga mata na parang batang inaabutan ng malaking bar ng tsokolate.

"Wow! Salamat!" Tuwang-tuwang sabi ni Jewel at niyakap si Dimitri.

"BOTSFRFT as in Birds of the same feather, really flocks together!" Maarteng sabi ni Bree at saka nag-roll eyes.

"Intindihin mo na nga lang yang pagseselfie mo Bree, wag mo nang pakialaman yung mga bookworm!" Natatawamg sabi ni Trevor kay Bree.

"Whatev'" Sagot ni Bree at kinuha ang iPhone niya at nagselfie.

"Salamat talaga Dim ha. Matagal ko nang gustong basahin 'to eh." Tuwang-tuwang sabi ni Jewel at binuksan ang pahina ng libro at nakapikit na inamoy yun. "Ang bango talaga ng libro no?" Sabi ni Jewel.

"Akala ko si Clarity lang yung weird sa grupo, pati pala ikaw Jewel. Bakit kailangang amuyin ang libro?" Sabi ni Lavander na sinundan ng tawa.

Tiningnan lang siya ng masama ni Clarity na nakaupo sa pangatlong row ng upuan. Tahimik si Clarity at bihira magsalita, silent type kumbaga. Pero nawawala ang pagkasilent type nito kapag naiinis.

"Ang init naman!" Reklamo ni Lavander at hinubad ang suot na leather jacket, leaving only her pink bra. Binaling nito ang tingin sa katabing si Trevor na nakangisi habang nakatingin sa malusog na dibdib niya, sa tabi kasi ng driver's seat ito nakaupo. "Naseseduce ka ba? Hmmm. Wag dito, makikita nila tayo." Seductive na sabi ni Lavander kay Trevor na sinundan ng malanding tawa.

"Wala nang mas wiweird pa sa babaeng aalis ng bahay na bra lang ang suot." Sabi ni Clarity habang nilalagay ang neck pillow sa kanyang batok.

"Inggit ka lang kasi flat-chested ka!" Sabi ni Lavander.

"At least hindi operada!" Ganting sagot ni Clarity.

"Tigilan niyo na nga yan at baka magkapikunan pa kayo." Awat sa kanila ni Dimitri, kahit kailan talaga ito ang tumatayong peace keeper nila.

"Ayan na pala sina Siri at Riri eh." Sabi ni Trevor at inihinto ang sasakyan sa tapat ng dalawang babae na nakatayo sa gilid ng kalsada. Inunlock ni Trevor ang kotse at mabilis namam iyong binuksan ni Siri.

"Hi!" Matinis na sigaw ni Siri at mabilis na pumasok sa loob ng van. "Buti nandito na kayo! Grabe, ang tagal naming naghintay sa daan ah, malapit na nga akong mangalay eh. OMG! Excited na ako sa bakasyong ito. I know that this is going to be fun! Come on, vamonos!" Hyper at tuwang-tuwang sigaw nito.

"Hi." Mahinang bati naman ni Riri ng pumasok ito sa sasakyan. Mahinhin itong ngumiti.

"Y.T.A.S.O, as in, you two are so opposite. I mean, you're so loud Siri pero your twin is so tahimik." Maarteng sabi ni Bree.

"Ganun talaga, edi nalito na kayo kung parehas kaming tahimik ng kakambal ko diba?" Nakangiting sabi ni Siri.

"Okay, walo na tayo dito, kulang pa nang tatlo." Sabi ni Trevor. "Si Jersey naman ang daanan natin."

Napatigil sa pagbabasa ng libro si Jewel ng marinig ang pangalan ni Jersey. Crush niya kasi ito dahil sa taglay nitong kagwapuhan. MVP rin ito sa basketball sa pinapasukan nilang university. Grabe, bumilis ang tibok ng puso niya.

"Huy." Siniko siya ni Dimitri. "Okay ka lang?"

"H-ha?" Umayos siya sa pagkakaupo at inayos ang kanyang suot na salamin. "Oo n-naman. Nahilo lang ako." Pagpapalusot niya.

"Ganun ba? Higa ka na lang sa balikat ko, baka inaantok ka." Nakatungong sabi ni Dimitri kay Jewel.

Tiningnan ni Jewel si Dimitri. Alon-alon ang buhok nito na magulo ang pagkakaayos. May suot itong makapal na salamin na hindi ata bumababa dahil sa matangos ang ilong nito. Mapula ang labi nito dahil puro aral lang naman ang inaatupag nito at walang bisyo. May clef chin din ito. Gwapo ito pero natatakpan iyon ng kanyang pagiging nerd.

"Salamat ah!" Natatawang sabi ni Jewel at ginulo ang buhok nito. "Okay lang ako. Don't worry." Paninigurado niya.

Napatingin si Jewel sa unahan at nakita niyang nakatingin sa kanya si Riri. Ngumiti ito ng magtama ang mga mata nila. Ginantihan niya rin ng ngiti ang kaibigan bago bumaling ulit sa pagbabasa.

Maya-maya pa ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang magandang bahay. Bumusina si Trevor. Bumukas ang gate ng bahay at lumabas mula roon ang isang gwapo at matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng sando na camaoflage print, brown na pantalon at sneakers. Parang naistatwa si Jewel ng makita si Jersey, dahan-dahan siyang napayakap sa librong binabasa niya habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa binatang papalapit na sa sasakyan.

"Hi everyone." Bati nito ng buksan nito ang kotse. Ngumiti ito, lumabas ang maputi niyang ngipin. Binaling nito ang tingin sa pwesto ni Jewel. "Hi, Jewel!"

"H-hi." Nauutal niyang sabi dahil sa pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nahihiya niya ring nginitian si Jersey at inipit sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. "M-may pwesto pa d-dito sa tabi ko. B-baka… Hehehe, baka g-gusto mong tumabi."

"Sure ka?" Nakangiting tanong ni Jersey.

"Masikip na dito Je--"

"Anong masikip? Ang luwag pa kaya." Putol ni Jewel sa sasabihin ni Dimitri at saka siniksik sa gilid si Dimitri para mas lumawak ang espasyo sa tabi niya.

"Sige, diyan na ako uupo." Nakangiting sabi ni Jersey at sumakay na ng sasakyan at umupo sa tabi ni Jewel.

Tuwang-tuwa si Jewel sa nangyari. Ang makatabi si Jersey sa sasakyan habang mahaba ang biyahe ay langit na para sa kanya. Habang si Dimitri naman ay masama ang loob na tumingin sa labas ng bintana. Sikip na sikip na kasi siya dahil pinakasiksik siya ni Jewel sa gilid.

"So… Anong binabasa mo?" Tanong ni Jersey.

"H-ha? Ah, eh. Papertowns--"

"Pinahiram ko sa kanya." Sabat ni Dimitri.

Palihim na siniko ni Jewel sa tagiliran si Dimitri dahilan para mapa 'ow' ito.

"Ah oo. Pinahiram niya." Nakangiting sabi ni Jewel. Tumingin ito kay Dimitri at binigyan niya ito ng wag-kang-makisabat-look.

"Sabi nila, masama daw magbasa sa moving vehicle. Hmmm, hindi ka ba nahihilo?" Tanong ni Jersey.

"Ah eh, nahihilo nga ako eh." Pagsisinungaling ni Jewel. Tinanggal niya ang eyeglasses niya at nagkunwaring nahihilo.  "Parang kailangan kong mahiga."

"Sa balikat ko--"

Hindi na natapos ni Dimitri ang sasabihin niya nung sikuhin ulit siya ni Jewel.

"You can lie your head in my shoulder, if you want." Sabi ni Jersey.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jewel, gumana ang acting niya.

"T-talaga? Sure ka?" Nahihiyang tanong ni Jewel.

Nagulat si Jewel nang maingat na hawakan ni Jersey ang ulo niya at ipinatong iyon sa balikat nito.

"Sure ako." Sabi pa nito.

Parang tambol na bumilis ang tibok ng puso niya. Parang sa sobrang lakas ng tibok ay pati tiyan niya tumitibok na rin. Ang bango pa ni Jersey, lalaking-lalaki ang amoy. Pakiramdam ni Jewel ay maswerte siya ngayong araw na to.

"Tsss." Inis na sabi ni Dimitri at kunot noong binaling ang tingin sa labas ng bintana.
---

Nagising si Jewel ng makaramdam ng mahinang pag-uyog sa  kanyang balikat. Muli siyang kinilig ng maalalang sa balikat ng pala siya ni Jersey nakahiga. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at nagpacute bago iangat ang kanyang ulo.

"Ay,Hunger Games!" Gulat na sigaw ni Jewel ng hindi si Jersey ang nakita niya kundi si Dimitri. Tumawa ito ng makita ang naging reaksyon niya. "B-bakit sa balikat mo ako nakahiga?" Takang tanong ni Jewel, nagpalinga-linga ito at napansin niyang gabi na, nakita rin niyang silang dalawa lang ang tao sa van. "Asan sila? B-bakit tayong dalawa lang dito?"

Naluluhang tumigil sa pagtawa si Dimitri bago sumagot.

"Ka--hahaha--kasi, malikot ka pala matulog kaya yun, lumipat ka sa balikat ko."

"Eh, a-asan yung iba?" Tanong ulit ni Jewel.

Nilapit ni Dimitri ang kanyang mukha kay Jewel.

"T-teka. Huy! A-anong ga-gagawin mo?" Nauutal na sabi ni Jewel habang patuloy sa pag-atras habang si Dimitri naman ay patuloy sa paglapit. "D-dimitri!" Nang wala na siyang maatrasan ay madiing pumikit si Jewel.

"Uhm." Narinig niyang sabi ni Dimitri.

Dahan-dahang dumilat si Jewel at nakita niyang nakanguso si Dimitri.

"Ha? Ano?" Nagtatakang tanong ni Jewel.

"Uhm." Sabing muli ni Dimitri at mas hinabaan ang pagnguso.

Tiningnan ni Jewel si Dimitri. Ang cute nito kahit nakanguso. Tiningnan niya ang labi nito, mapula iyon at parang ang lambot-lambot. Parang may magnet iyon na umaakit sa labi niya. Lumunok ng laway si Jewel and closed her eyes and in a blink of an eye, she kissed Dimitri in the lips. Mabilis lang iyon, smack lang.

Nanlaki ang mga mata ni Dimitri. Mabilis itong napaurong at malakas na napasandal sa kabilang bahagi ng kotse.

"A-anong… B-bakit…" Nauutal na sabi ni Dimitri.

"Eh diba nakanguso ka?" Tumungo si Jewel na parang nahiya. "Eh di kiniss kita." Mahina niyang sabi.

"T-tinuturo ko lang k-kung nasan yung mga kasama naten." Paliwanag ni Dimitri, namumula ito.

Mabilis namang lumingon sa likod niya si Jewel at nakita nga niyang nasa 7/11 ang mga kaibigan niya at namimili.

"S-sorry." Nahihiyang sabi ni Jewel at mabilis na kumilos para bumaba ng sasakyan.

Mabilis siyang naglakad habang pinapalo ang noo.

"Ang tanga mo Jewel! Bakit mo kiniss yung tao eh tinuturo lang naman niya kung nasaan yung mga kaibigan mo? Tsk… bakit ba naman kasi kailangang yung mapula niyang nguso ang ipanturo niya? Argghh!" Naiinis na sabi ni Jewel sa sarili habang patuloy pa rin sa pagpalo sa noo.

"Jewel!"

Napaangat ang tingin ni Jewel  at nakita niya si Riri na naglalakad palapit sa kanya habang may dalang softdrinks in can at malalaking chichirya.

"Gising ka na pala." Mahinhing sabi nito. Sa magkakambal, ito ang mahinhin at tahimik. "Si Dimitri?"

Parang bumalik kay Jewel ang nangyari kanina, nakaramdam nanaman siya ng hiya.

"Ahh, nasa sasakyan…" Sagot ni Jewel. "B-bakit?'

"Hahatiran ko lang sana kayo ng pagkain. Ito oh." Mahinang sabi nito at inabot sa kanya ang mga dala niya. "I-ikaw na lang magbigay ha. Sige al--"

"Teka." Pinigilan niya ang braso nito. "Ikaw na magbigay nito kay Dimitri. Ahmmm, na-naiihi kasi ako."  Pagsisinungaling ni Jewel, dahil ang totoo ay nahihiya siya sa lalaki. Inabot niya ang mga pagkain kay Riri. "Sige ha."

Nagmamadaling tumakbo papasok sa 7/11 si Jewel habang si Riri naman ay wala nang nagawa kundi ihatid kay Dimitri ang pagkain.

Itutuloy…

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon