Chapter 6 [Lust]

2.7K 50 27
                                    

WARNING : Medyo may SPG ng very light sa may last part. Yun lang po :3 Enjoy reading :))

---****----

Isang malaking aparador na may malaking salamin ang bumungad sa kanila ng buksan ni Tiyang Susana ang pinto ng kwartong tutuluyan nila.

"Whoa! T.R.U.S.B, as in, this room is so big." Sabi ni Bree.

Nilibot nila ang tingin nila. May malaking double bed sa magkabilang gilid ng silid. Sa bawat kama ay kasya ang tatlong tao. Lahat ng kasangkapan sa bahay na yun ay yari sa kahoy na pinakintab ng barnis. Sa magkabilang gilid ng aparador na nasa gitna ng silid ay ang bintana na may puting kurtina.

"Pumasok na po kayo at ayusin ang inyong mga gamit." Magiliw na sabi ni Tiyang Susana.

"Bababa na rin muna ako at aayusin ang mga pagkain na dadalhin natin sa dagat." Sabi ni Joss.

"Dagat?" Tanong ni Riri.

"Oo, ayusin niyo na ang mga gamit niyo at mamayang gabi ay pupunta tayo sa dagat para magnight swimming. Isipin niyo na rin muna na ito ang bakasyon niyo." Nakangiting sagot ni Joss.

"Ooh, that's nice!" Masayang sabi ni Lavander at saka umakap kay Joss. Gulat na napayakap din dito ang binata."Susuotin ko ang two-piece swimsuit ko."

"Maganda nga yan 'pre. Nakita ko ngang maganda ang dagat niyo dito." Sabi ni Trevor.

"Sinabi mo pa. Oh sige na pumasok na kayo at maghanda." Sabi ni Joss.

Masayang pumasok ang magkakaibigan habang si Jewel naman ay nakatingin lang sa silid. May iba siyang nararamdaman sa silid na 'to. Pakiramdam niya ay may kakaiba dito. Tumatayo ang balahibo niya.

"Jewel!" Natauhan si Jewel sa tawag na iyon ni Jersey. "Ano pang ginagawa mo diyan. Tara na, ayusin mo na ang gamit mo."

"Ha-- s-sige." Sagot ni Jewel.

Pagtapak ni Jewel sa silid ay isang malamig na hangin ang naramdaman niya. Napapikit siya at pagmulat ng kanyang mga mata ay wala na ang kanyang mga kaibigan at nababalot na ng malapot na dugo ang silid na iyon. Napaubo siya sa nakakasulasok na amoy ng dugo.

"~umalis ka na…"

Napalingon si Jewel ng marinig ang bulong na iyon. Nakaramdam siya ng pagtayo ng balahibo sa kanyang batok.

Nagpalingon-lingon si Jewel. Pero natigilan siya ng makaramdam ng mainit na hangin sa batok niya na dulot ng mabigat na paghinga.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Jewel. Pakiramdam niya ay mabubutas na ang dibdib niya sa lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Napalunok siya ng laway at unti-unti ay nilingon niya ang ulo niya upang tingnan kung kanino nanggagaling ang paghinga na nararamdaman niya sa kanyang batok. Nang isang pares ng naaagnas na kamay ang biglang pumulupot sa bewang niya mula sa kanyang likuran.

Bago pa man siya makasigaw ay naramdaman na niya ang paglapit ng isang naaagnas na labi sa kanyang tenga.

"~umalis ka naaaa."

"Aaaaaaahh!" Nanlalambot na bumagsak si Jewel pero maagap siyang nasalo ni Jersey.

"Jewel!" Tawag ni Jersey dito at malakas na inuga. Natatarantang naglapitan rin ang iba pa niyang kaibigan kay Jewel.

"Jewel, wake up!"

Biglang nagmulat ng mata si Jewel. Takot na takot siyang luminga sa paligid.

"J-jersey!" Mabilis siyang yumakap sa binata. "Umalis na tayo dito! Umalis na tayo!"

"Jewel, ano bang nangyayari?!" Nagtatakang tanong ni Siri.

"May multo! May mga multo sa bahay na 'to! May mga masasamang espirito! Umalis na tayo dito!" Takot na takot na saad ni Jewel habang mahigpit na nakakapit sa damit ni Jersey.

Bree rolled her eyes heavenward.

"Ghost? Hello! Uso pa ba yun? CTD, as in, cut the drama Jewel!" Maarteng sabi ni Bree. "Come on, don't mind her. Tara na, ayusin na natin ang mga gamit natin."

Naiiling na bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ang mga barkada niya.

Tumingin si Jewel kay Jersey.

"T-totoo ang sinasabi ko. Hindi ako umaarte! M-may naaagnas na kamay na yumakap sa akin. T-tapos kanina yung matanda. Me--"

"Shhhh. Yes. Yes. Naniniwala ako sa 'yo. Okay. Pero for now, kalimutan mo muna yun because we have no choice but to stay here for four days kasi sira pa yung sasakyan." Malumanay na paliwanag ni Jersey.

"P-pero--"

"Shhh. Don't worry. Dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan para hindi ka na lapitan ng multong sinasabi mo. Okay?"

Tumingin si Jewel sa mga mata ni Jersey, kita niya ang sinseridad sa sinabi nito. Kinakabahan man ay tumango si Jewel dahil wala rin naman siyang ibang magagawa.

"Okay? Tara na, ayusin na natin ang gamit mo."

Inalalayan ni Jersey sa pagtayo ang nanginginig pa sa takot na si Jewel at inakay papunta sa loob ng kwarto.

---****---

"D-dimitri."

Mabilis na napalingon si Dimitri sa tumawag sa kanya at nakita niya ang nahihiyang ngiti ni Riri na nakatayo ngayon sa harapan niya.

"B-bakit ka mag-isa dito?" Tanong nito.

Mag-isa kasing nakaupo si Dimitri sa ilalim ng puno ng niyog, medyo malayo mula sa lugar kung saan nakaupo ang mga barkada nila na masayang nagkukwentuhan sa harap ng bonfire habang umiinom at nagtatampisaw sa tubig.

"Ha, ah eh, mukhang hindi naman ako kailangan dun." At malungkot na tumingin sa pwesto ng mga kaibigan niya.

Napakunot ang noo ni Riri at sinundan ang direksyon kung saan nakatingin si Dimitri at nakita niya sina Jewel at Jersey na gumagawa ng sand castle habang tumatawa.

"Nagseselos ka 'no?" Sabi ni Riri at saka umupo sa tabi ni Dimitri.

"A-ako? Magseselos? He-he. Hindi no." Pagpapalusot ni Dimitri at saka malungkot muling tumingin sa direksyon nina Jewel. "Wala akong karapatan."

"Wag mo nang itanggi. Halatang-halata naman sa 'yo na gusto mo si Jewel eh." Sabi ni Riri at bahagyang siniko si Dimitri. "Aminin mo na."

Ngiti lang ang isinagot ni Jersey sa panunudyo sa kanya ni Riri. Silence means yes nga daw diba, kaya tumahimik na lang siya.

"Alam mo, sa sobrang focus mo kay Jewel hindi mo na nakikita yung mga taong sa 'yo naman nakafocus."

Takang napatingin si Dimitri kay Riri na kasalukuyang nakatungo at pinaglalaruan ang buhangin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Dimitri.

"Yung… Sa kanya ka lang nakatingin kaya hindi mo mapansin yung mga taong ikaw naman yung nakikita. Hindi mo napapansin yung mga tao na alam yung halaga mo."

Nag-angat ng tingin si Riri at tumingin kay Dimitri.

"Alam mo, kapag pilit kang yumayakap sa taong hindi nakikita ang halaga mo. Hindi ka mayayakap ng taong nakalaan talaga para sa 'yo."

Biglang natawa si Dimitri dahilan para mapakunot ang noo ni Riri.

"A-anong nakakatawa?" Takang tanong ni Riri.

"Ako? Sa akin? May magpapahalaga? Hahaha. Imposible yang sinasabi mo Riri." Sabi nito na tuloy pa rin sa pagtawa.

Hinintay muna ni Riri na tumigil sa pagtawa ang kausap bago ulit magsalita.

"Walang imposible no! Konting ayos lang sa buhok mo at sa pananamit mo mas gwapo ka pa kesa kay Jersey."

Napatingin muna si Dimitri kay Riri bago muling tumawa.

"Alam mo. Tatahi-tahimik ka lang pero bolera ka rin pala."

"Hindi kita binobola. Totoo ang sinasabi ko."

Napahinto sa pagtawa si Dimitri at napatingin kay Riri. Nagsalubong ang mga mata nila. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Riri. Mabilis siyang kumalas sa pagtititigan nila at natatarantang tumayo dahilan para mawalan siya ng balanse, babagsak na sana siya ng mabilis na tumayo si Dimitri at masalo ang balikat niya kaya napigilan ang pagbagsak niya. Parang nakaramdam ng kuryente si Riri sa paglapat ng kamay ni Dimitri sa kanyang balat. Mabilis siyang umayos ng pagkakatayo.

"Ah. Eh, punta na ako dun s-sa kanila. Sige." Natatarantang sabi ni Riri at maglalakad na sana ng magsalita si Dimitri.

"Sandali. Sabay na ako."

Tumango si Riri at sabay silang naglakad palapit sa mga kasamahan.

---****---

"Joss! Aaaaah! Habulin mo ako!" Sigaw ni Lavander habang tumatakbo sa dagat.

Nakasuot lang ito ng two-piece swimsuit kaya naman kita ang clevage nito ganun din ang korte ng katawan nito na talaga namang kahit sinong lalaki ay mapapalingon.

"Joss. Ano ba?! Habulin mo ako." Sigaw muli nito kay Joss na nakaupo sa tabing dagat. Ngunit hindi tuminag si Joss sa pagkakaupo. "Ayaw mo ha."

Malanding ngumiti si Lavander at tumakbo sa pwesto ni Joss. Bigla niyang tinulak ang binata kaya napahiga ito sa buhanginan at walang sabi-sabing dumagan dito si Lavander.

"T-teka. Lavander ano bang--"

"Paparusahan kita dahil ayaw mo akong habulin." Malanding sabi ni Lavander at yumuko para halikan ang binata pero mabilis na umiwas si Joss.

"Okay. Okay. Hahabulin na kita." Sabi ni Joss habang umiiwas sa halik ni Lavander.

"Why?" Tanong ni Lavander na lalong dumagan kay Joss. "Ayaw mo ba ng halik ko?"

Sasagot na sana si Joss ng sumigaw si Trevor.

"Get a room!" Sabi nito na sinundan ng tawanan ng magkakaibigan. "Pumunta na kayo dito. Inom na tayo."

Bago pa makasagot si Joss ay sinibasib na siya ng halik ni Lavander dahilan para magkantiyawan sila pwera kay Clarity na inis na inis sa ginagawang kalandian ng kanyang mortal enemy.

Hingal na hingal na kumalas sa kanyang paghalik si Lavander at kinindatan si Joss saka nakangiting tumayo at naglakad palapit sa mga kaibigan na nakabilog habang nakaharap sa bonfire. Tumayo na rin si Joss at naiiling na naglakad sa nagkakasayahang tagalungsod.

---****---

Hilik mula sa mga lasing na magkakaibigan ang maririnig sa silid. Mahimbing ang kanilang tulog dahil sa pinagsamang pagod mula sa paglangoy sa dagat at sa hilo na dulot ng ininom nilang alak pwera kay Lavander na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kanyang labi at binabalikan ang paghalik niya kay Joss.

Nag-iinit ang katawan niya. Hindi siya mapakali sa kanyang pagkakahiga. Kailangan niyang mailabas ang init na ito. Kailangan niya si Joss.

Dahan-dahan siyang bumangon at umalis sa kama. Tiningnan niya ang mga kaibigan, tulog na tulog na ang mga ito. Maingat siyang naglakad papunta sa pinto, pinihit ang seradura at dahan-dahan ay lumabas siya ng kwarto.

Malamig na hangin at labis na katahimikan ang bumalot sa kanya ng isara niya ang pinto. Luminga-linga siya sa paligid. Sinasanay ang kanyang mata sa dilim.

Ng makapag-adjust na ang kanyang mata ay naglakad siya papunta sa hagdan at bumaba doon. Bawat hakbang niya ay lumalangitngit ang hagdan.

Madilim ang paligid pero wala siyang maramdamang kaba. Tanging pagnanasa kay Joss ang namamayani sa katawan niya. Nang makababa na ay luminga-linga siya sa paligid.

Saan ba ang kwarto niya? Tanong ni Lavander sa kanyang isip. Nakabukas ang mga bintana dito sa baba kaya naman nakakapasok ang liwanag na mula sa buwan. Nililipad lipad ang kurtina dahil sa pumapasok na malamig na hangin ng gabi.

Naglakad siya palapit sa kusina ng may humigit sa braso niya. Pagharap niya ay tumalon ang puso niya sa tuwa ng tumambad sa kanya ang mukha ni Joss na nasisinagan ng liwanag ng buwan na tumatagos sa nakabukas na bintana.

"Anong ginaga--"

Hindi na natapos ni Joss ang sasabihin ng siilin siya ng halik ni Lavander. Mabilis na pinagapang ng dalaga ang kamay niya sa matipunong dibdib ni Joss pababa sa laylayan ng damit na suot nito. Mapusok na itinaas ni Lavander ang damit ni Joss at kumalas sa kanilang paghahalikan para mahubad niya ang damit nito. Hinagis niya sa kung saan ang damit ni Joss at hayok na hayok na sinibasib ang malamonggong utong ni Joss dahilan para mapaigtad at      mapaungol ito.

Sinabunutan ni Joss si Lavander at iniangat ang ulo nito para magharap sila. Mababakas ang matinding pagnanasa sa mata ng dalaga.

"Wag tayo dito." Humihingal na sabi ni Joss.

"Saan? Saan tayo Joss? Please. I want you! I want you so bad!" Pagmamakaawa ni Lavander.

Ngumisi si Joss.

"Tara. Sumama ka sa akin." Sabi nito at inakay si Lavander palabas ng bahay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Lavander.

"Papatayin kita."

"Ano?!"

Tumigil si Joss sa paglalakad at humarap kay Lavander. Hinawakan niya ang bewang nito at hinila palapit sa kanya. Pinagapang ni Joss ang hintuturo niya sa labi ni Lavander at saka tumingin sa mga mata ng dalaga.

"Papatayin kita sa sarap."

Napangiti si Lavander at sinibasib muli ng halik si Joss bago muling maglakad.

…Itutuloy

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon