Chapter 11 [Jewel pt. 1]

2.1K 55 11
                                    

Mula sa pagkakatingin sa nakabukas na pintuan ay ibinaling ni Dimitri ang tingin sa kanyang wrist watch. Alas nuwebe kwarenta y singko na ng gabi.

"Gabing-gabi na pero wala pa rin silang tatlo. Saan kaya pumunta ang mga 'yon?" Nag-aalalang tanong ni Dimitri sa mga kaibigan na nakaupo sa malaking hagdan ng bahay nina Joss. Pagkatapos maghapunan ay umupo na sila doon para hintayin ang pagdating ng tatlo nilang kaibigan na hindi na nila nakita simula ng gumising sila mula sa pagkakatulog noong tanghali.

"Hindi kaya nagtanan na yung mga yun?" Sabi ni Siri.

"Nagtanan? Ng ano? Ng kasama si Jewel?" Parang inis na sabi ni Trevor na nakasandal sa hamba ng hagdan.

"Malay ko ba, eh alam naman nating close yung tatlo na yun." Depensa naman ni Siri.

"Kahit na! Katangahan ang mag-iisip na nagtanan sila Trendy at Winston ng kasama si Jewel dahil una sa lahat, walang nagtatanan ng may kasamang kaibigan!" Inis na sabi ni Trevor.

Galit na tumayo si Siri sa pagkakaupo sa hagdan at humarap kay Trevor.

"So, sinasabi mo ba na tanga ako?" Galit na sabi ni Siri.

Sasagot pa sana si Trevor ng awatin sila ni Jersey.

"Tama na yan guys, ano ba! Para kayong mga bata eh!" Sabi nito.

"O to the M to the G! I.S.T. na. As in, I'm super tired na! C. W. J. G. T. S. As in, Can we just go to sleep? Uuwi din yung mga yun bukas, maybe they go camping lang." Maarteng sabi ni Bree at saka pekeng humikab at nagpapungay ng mata.

"Oh, sige na. Matulog na yung gustong matulog. Basta ako, hihintayin ko sila." Sabi ni Dimitri at saka lumapit sa may pinto at humarap sa labas.

"Maghihintay din ako kay Jewel." Sabi ni Jersey.

Nilingon siya ni Dimitri. Nagsalubong ang mga tingin nila at muli ay nagtantiyahan sila ng tingin. Naunang bumawi si Dimitri at muling humarap sa labas.

Nagtayuan na ang mga kaibigan nila mula sa pagkakaupo.

"Sige, akyat na kami. Gisingin niyo na lang kami 'pag dumating na sila." Pahabol ni Clarity at lahat sila ay umakyat na papunta sa kanilang kwarto.

Narinig nila ang pagsara ng pinto ng kwarto.

Tumingin si Jersey sa nakatalikod na si Dimitri. Maya-maya pa ay lumapit siya dito at sumandal din sa kabilang side ng pinto. Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa mapunong kakahuyan na nasa harap nila bago magsalita.

"Pwede ba tayong mag-usap tungkol kay Jewel?"

----****----

Nakaramdam ng pagkirot sa kanyang noo si Jewel ng magkaroon siya ng malay. Malabo at bahagya pang umiikot ang kanyang paningin ng imulat niya ang kanyang mga mata kaya't minabuti niyang ipikit muli iyon. Tanging huni ng mga kuliglig at tunog ng palaka ang namayani sa kanyang pandinig. Huminga siya ng malalim at nalanghap niya ang amoy ng mga damo na sa pakiramdam niya ay hinihigaan niya ngayon.

Sinubukan niya ulit imulat ng mga mata niya at nakahinga siya ng maluwag nang malinaw na ang kanyang paningin. Dahan-dahan siyang bumangon, habang iniisip kung gaano ba siya katagal nawalan ng malay. Luminga-linga siya sa kadiliman ng gabi at napagtanto niyang nasa isang parte siya ng sitio na ngayon lang niya nakita. Sinimulan siyang kabahan. Pumasok muli sa ala-ala niya ang nasaksihang pagkamatay ng dalawang kaibigan sa kamay ng isang demonyo. Nangilid muli ang kanyang luha. Binalot siya ng pangamba na baka nasa paligid lang ang taong nakaitim na pumatay sa mga kaibigan niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa takot.

----****----

Kaninang tanghali, habang nasa kwarto silang lahat at nagpapahinga ay napansin niyang hindi mapakali si Trendy sa pagkakahiga nito. Galaw ito ng galaw pero hindi niya iyon pinapansin dahil iniisip pa rin niya noon ang nakitang imahe ni Lavander ng kainin niya ang karne.

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon