Maingay sa loob ng silid-kainan dahil sa kwentuhan ng magbabarkadang kumakain at mga kalansing ng kubyertos.
"Wala na bang ibang paraan para makaalis dito?" Tanong ni Jewel kay Joss. Biglang tumahimik ang silid kainan dahil sa tanong na iyon.
"Bakit? Hindi ka ba nag-eenjoy dito at gusto mo nang umalis?" Nakangiting balik na tanong ni Joss bago sumubo ng pagkain.
"Hindi naman sa ganun. Sa tingin ko lang kasi... may mga ayaw na nandito kami at gusto na kaming paalisin." Sagot ni Jewel.
Mahinang tumawa si Joss.
"Sinong nagsabi sa yo niyan? Welcome na wel--"
"Hindi kayo ang tinutukoy ko." Putol ni Jewel sa sasabihin ni Joss. "Hindi sila buhay, mga espirito... May mga espirito sa bahay na 'to na gusto kaming paalisin."
Tumahimik ang paligid at maya-maya pa ay napuno ng tawanan sa silid-kainan. Lahat ng mga kaibigan niya except kina Dimitri at Jersey ay tumatawa na para bang joke ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Jewel.
"Y.S.F.T.J. as in, You're So Funny Talaga Jewel!" Sabi ni Bree na sinundan ng tawa. "Oh, come on! Stop telling us about those multo thingy na nakikita mo dito because I.D.M.S as in, It Does'nt Make Sense! May sakit ka ba or something?"
Nagtawanan ulit sila.
"Hey, totoo ang sinasabi ko! Kanina, I saw Lav--"
"Stop it, okay!" Putol sa kanya ni Bree. "Let's just enjoy our 3 day stay here, and besides, Joss told me na magkakafiesta dito, bukas and the day after tomorrow. Exciting diba?"
Nagpakita ng pag-sang ayon ang lahat maliban kay Jewel na hanggang ngayon ay inaalala pa rin ang mga nakita niya.
"Pero kasi--"
"Stop that crap, Jewel! Okay?" Putol sa kanya ni Trevor bago ito bumaling kay Joss. "So... Pare, may mga chikababes ba na makikifiesta dito sa inyo?" Pilyong tanong ni Joss.
Wala nang nagawa si Jewel. Walang gustong makinig sa kanya. Walang naniniwala sa kanya na may nakikita siyang mga espirito. Naramdaman niyang may tumapik sa likod niya at nakita niyang si Dimitri iyon na nakaupo sa tabi niya. Nginitian siya nito na para bang sinasabi na naniniwala siya sa mga sinasabi ni Jewel. Nakaramdam ng tuwa si Jewel at naisip niyang hindi pala siya nag-iisa. Na may karamay pa siyang kaibigan at yun ay si Dimitri.
"Chikababes?" Natawa si Joss. "Mga mahihinhin ang mga babae dito sa aming sitio, Trevor."
"Psh, walang mahinhin sa akin. Kahit mga mayuyumi pa sila, hindi nila mahihindian ang kagwapuhan ko." Mayabang na sabi ni Trevor.
"Kaya pala torpe ka pagdating kay Santina!" Pang-aasar sa kanya ni Winston. Si Santina ay ang kaklase nila na gustong-gusto ni Trevor.
"Iba yun... True love ko yun eh!" Sabi ng binata at saka tumungo para itago ang pamumula ng pisngi.
"Aaaaay! Nagbablush ka!" Bulalas ni Siri na sinundan ng malakas na tawanan at pang-aasar kay Trevor.
"Tama na nga yang asaran na 'yan! Parang mga bata!" Awat sa kanila ni Clarity. Nagsitahimikan naman sila at nagpatuloy sa pagkain. Bumaling siya kay Joss. "Bakit walang banderitas? Diba dapat makulay at masaya ang paligid pag Fiesta?"
Nilunok muna ni Joss ang nginunguya bago sumagot.
"Hindi kami mahilig sa luho dito sa aming sitio at para sa amin ay luho lang ng mga banderitas na iyon. At isa pa, maidadaos naman ang isang pagsasaya ng walang banderitas." Pagpapaliwanag ni Joss. "Mahilig kami sa kasiyahan dito sa aming sitio. Tuwing Biyernes ay nagkakaroon kami ng pagsasama-sama. Kung mapapansin niyo, walang mga modernong teknolohiya dito na sinasabi niyong nakakapagpasaya sa inyong mga tagasiyudad. Naniniwala kasi kami na mas magiging masaya kung makikihalubilo ka sa mga tao at sama-sama kayong sasamba sa inyong panginoon."
BINABASA MO ANG
Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]
Terror"Hoc est, non ad finem. Suus 'iustus non est principium." Sabi ng taong nakaitim, puno ng dugo ang kanyang mukha. Iniangat niya ang hawak niyang tumitibok-tibok pang puso. Nilapit niya iyon sa kanyang mukha at nakapikit na inamoy iyon. "Ang alay!" N...