Hala! Nag-update ulit?

4.1K 139 120
                                    

Tumatakbo...

Nakapikit pa rin si Jewel ngunit may malay na siya. Tanging hindi niya lang agad mabuksan ang mga mata dahil sa labis na pagod at sakit sa batok na kanyang nararamdaman.

Hingal...

Nararamdaman niya ang malayang paggalaw ng kanyang kanang braso na nakalupaypay sa kanyang tagiliran.

Takbo...

Ramdam niya ang paghampas ng hangin na may katamtamang init. Nararamdaman rin niya ang mabilis na yapak ng taong bumubuhat sa kanya.

Tunog ng sirena ng pulis...

"Bilisan niyo! Malapit na tayo sa kalsada!" Hinihingal na bulalas ni Dimitri, bakas ang labis na pagod sa kanyang boses. "Nandiyan na ang mga pulis! Makakaalis na tayo dito!"

Para bang biglang nabuhayan si Jewel sa narinig. Mabilis na nilamon ng pag-asa ang pagsuko na bumabalot sa kanyang puso. Pilit niyang iminulat ang mga mata, hindi inalintana ang pagod na bumabalot at yumayakap sa kanyang buong pagkatao. Una muna ay malabo, ngunit maya-maya pa ay luminaw na ang paningin niya at tumambad sa kanya ang panggabing kalangitan na nababalot ng itim na usok. Luminaw rin ang pandinig niya at narinig niya ang tunog ng apoy na para bang tumutupok ng kung anong bagay.

Hinawakan niya ang braso ng bumubuhat sa kanya para ipaalam na may malay na siya. Tiningnan naman siya nito. Si Jersey.

"Gising na si Jewel!" Sigaw nito sa mga kasamahan. Binaba siya nito at medyo bumalanse pa siya ng makatapak sa madamong lupa.

Nilibot niya ang paningin at tumambad sa kanya ang madudungis na hitsura ng mga kaibigan niya. Humihingal ang mga ito mula sa pagtakbo, may mga maiitim na dungis sa mga mukha at damit na animo ay mula sa uling, gulo-gulo rin ang mga buhok ng mga ito. Nandito ang lahat maliban kay Trevor... Dahil wala na ito.

"A-anong nang-nangyari?" Nauutal at medyo nanghihina niyang tanong. Napasapo pa siya sa kanyang batok ng makaramdam ng pagkirot mula roon.

"Natapos na." Naghahabol ng hininga na sabi ni Iris. "Natapos na natin ang kulto."

Nanlaki ang mga mata ni Jewel sa tuwa. Naramdaman niya ang pagpinta ng malapad na ngiti sa kanyang mga labi.

"P-paanong.. A-anong--"

Itinuro ni Bree ang likuran ni Jewel. Sinundan naman niya ang tinuturo ng kaibigan at tumambad sa kanya ang kulay pula, kahel, at asul na apoy na tumutupok sa buong sitio. Sumasayaw iyon sa hangin na para bang nagsasaya sa ginagawang pagsira sa kasamaan.

Hindi mapigilan ni Jewel ang pagbalong ng luha dahil sa tuwa. Sa wakas! Nakamit na nila ang hustisya! Natigil na ang kasamaan!

Muling umalingawngaw ang sirena ng pulis. Naramdaman na lang niya ay hinihila na siya ni Clarity upang tumakbo ulit. Papunta sa sasakyan na maglalayo sa kanila sa kalagim-lagim na lugar na ito.

Nakangiti siyang tumakbo kasabay ng mga kaibigan. Maya-maya pa ay nakita na nila ang maraming kulay asul at pulang ilaw na kumukutikutitap sa kadiliman ng kalsada. Parang gustong tumalon ng puso nila sa tuwa!

Isang pulis ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Ang iba naman ay pumunta sa ibang sasakyan dahil hindi sila kasyang lahat sa isang sasakyan lamang. Muling lumingon si Jewel sa nagliliyab na Sitio bago sumakay sa loob at isara ang pinto. Nagpalitan ng matamis na ngiti sina Bree at Siri na nakasakay rin sa parehong sasakyan.

Nakaramdam sila ng kaligtasan at kapayapaan ng mapaupo sa loob ng kotse na ito.

"Handa na ba kayo?" Tanong ng babaeng pulis na nakaupo sa harap ng manibela.

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon