Chapter 10 [Two Deaths]

2.4K 56 12
                                    

Basahin niyo 'to : Sorry kung ilang years bago ako makapag-update. Sana magustuhan niyo 'to.

----***----

"Bilis, baka makita pa nila tayo." Pabulong na sabi ni Winston habang papalabas sila ni Trendy sa bahay. "Naisuot mo ba yung two-piece mo?"

Tumawa si Trendy.

"Oo, yung paborito mo yung sinuot ko." Nakangiti at pabulong ding sagot nito.

"Good, tara na." Sabi nito at saka hinila ang kasintahan palabas ng pinto.

Tanghali na at ito ang oras na pinili nila dahil tulog at nagpapahinga ang lahat kapag ganitong oras. Ayaw nilang may umistorbo sa kanilang swimming date. Gusto nilang masolo ang isa't-isa habang lumalangoy sa ilalim ng araw.

May mga ngiti sa kanilang mga labi nang makarating sila sa tabing dagat na hindi rin naman kalayuan sa bahay nina Joss. Malakas ang hangin,  ganun rin ang tunog ng paghampas ng alon. Pinaghalong kulay asul at berde ang tubig ng dagat. Maaliwalas ang kalangitan at tirik na tirik ang araw. Walang tao sa tabing dagat kundi silang dalawa lang. Siguro ay tulog rin ang mga tao sa Sitio.

Bahagyang napasigaw si Trendy ng biglang hapitin ni Winston ang bewang niya. Nilapit nito ang mga labi sa kanyang tenga.

"Tara, doon tayo sa dulo para solong-solo natin ang lugar." Bulong nito.

Kinilabutan si Trendy ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa tenga niya. Napakislot naman siya ng bahagya nitong kagatin ang earlobe niya.

"Ano ka ba?" Parang nakikiliting sabi ni Trendy na sinundan ng pagpalo sa dibdib ni Winston. "Kung gusto mo akong masolo… Habulin mo ako!"

Pagkasabi niyon ay mabilis na kumawala si Trendy mula sa pagkakahapit sa kanya ng binata saka tumakbo sa buhanginan.

"Lagot ka pag nahuli kita." Sigaw ni Winston at saka tumakbo para habulin ang kasintahan.

----***----

ISANG PARES NG MATA ang nakasunod ng tingin sa naghahabulang magkasintahan. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa sibat na nasa kanyang kanang kamay saka ngumisi, maya-maya lang ay mapupuno na ng dugo ang matulis na dulo ng hawak niya. Nakaramdam siya ng pagbilis ng puso na dulot ng excitement at kasiyahan.

----***----

MALAKAS NA NAPASIGAW SI TRENDY ng ipulupot ni Winston ang mga braso nito sa kanyang bewang. Napahiga silang dalawa sa buhanginan at nagpagulong-gulong habang magkapatong. Tumigil ang pag-ikot nila nang nakapaimbabaw si Winston kay Trendy. Nagtagpo ang kanilang mga mata bago bumaba ang mga labi ni Winston sa kanyang mga labi.

"Baka gusto mo nang ipakita sa akin ang paborito kong two piece." Nanunuksong sabi ni Winston ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Hindi ko maipapakita sa 'yo kung hindi ka aalis sa ibabaw ko." Sagot naman niya na sinundan ng mahinang tawa.

Tumayo si Winston at inalalayan si Trendy sa pagtayo. Muling umupo ang binata sa buhanginan ng nakaharap sa kanya.

"Why don't you give me a strip show huh." Pilyong sabi ni Winston na sinundan ng pagkindat.

"If that's what you want, baby." Nang-aakit na sabi ni Trendy.

Ginalaw niya ang kanyang balakang sa mabagal at mapang-akit na paraan habang unti-unting itinataas ang kanyang suot na maluwag na hanging blouse. Nang mahubad niya iyon ay tumambad kay Winston ang suot nitong pulang bra na binubuo lang ng paekis na tela. Halos ang gitnang parte lang ng dibdib nito ang natatakpan. Hinagis ni Trendy ang kanyang hinubad na damit sa kasintahan na tumama sa mukha nito. Masayang inamoy ng binata ang damit at saka kinagat na para bang nang-gigigil.

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon