Chapter 14 [Alam na Nila.]

2K 60 7
                                    

Gerald's note : SORRY. HINDI KO NATUPAD ANG SCHEDULE. NAGDAMOT ANG UTAK KO EE. SANA MAPATAWAD NIYO AKO. Enjoy reading.

----***----

"Mabuti na lamang at may mga nadala nanaman ditong taga-lungsod. Sa tingin ko kasi ay kukulangin ang karne na ito para sa malaking pagdiriwang sa isang araw." Sabi ni Aling Susan kina Mando at Joss.

Nasa kubo sila kung saan makikita ang mga katawan ng kanilang mga biktima na nakasabit sa mga hook na animo ay karne ng baboy. Masangsang at mabaho ang amoy dito pero hindi na iyon alintana ng tatlo. Para sa kanila ay amoy ng masarap na panglamang tiyan iyon.

"Tama ka, Tiya. Tamang-tama ang pagdating nila. Kabilugan na ng buwan sa isang araw kaya dapat ay makapag-alay tayo ng maraming ulo at puso sa ating panginoon na may nagbabagang mata." Nakangiting sabi ni Joss sa kanyang tiyahin.

"Sana lang ay hindi na magkaroon ng panibagong Emerald sa grupo nila upang hindi tayo mahirapan." Sabi ni Mando sa malaki at malalim na tinig. Napatingin sa kanya ang dalawa.

"Itay, matagal nang wala si Emerald. Labing-dalawang taon na ang nakararaan. Nakain at naidumi na natin siya kaya kalimutin na natin siya." Sabi naman ni Joss.

"Hinding-hindi ko malilimutan ang babae na iyon!" Nanlilisik ang mga matang saad ni Mando. "Kailanman, hindi ko makakalimutan ang taga-lungsod na pumatay sa nanay at lola mo!"

"Mando..." Pagpapakalma ni Aling Susan. Lumapit siya sa kapatid at hinimas ang likod nito. "Huwag kang mag-alala. Hindi na mauulit iyon kaya huwag ka nang mangamba."

"Tama si Tiya, Itay." Segunda ni Joss. "Mga tanga ang mga taga-lungsod na iyon. Wala tayong dapat problemahin. Walang makakapuksa sa atin." Paninigurado niya sa mga kamag-anak.

---***---

"What nanaman bang problem or trip mo, Jewel? At you make kaladkad us? W.A.W.G! As in, where are we going ba?" Maarte at naiinis na sabi ni Bree. Pilit nitong inaayos ang gulo-gulong buhok at mukha habang naglalakad.

"Oo nga, ginising mo kami at pinaglakad agad. Hindi mo man lang kami pinaghilamos!" Reklamo rin ni Clarity na may bakas pa ng tulo-laway sa pisngi.

"Basta, wag na kayong magreklamo! Para sa ating lahat 'to. Importante 'to!" Pabulong niyang sabi sa mga kaibigan habang tuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa direksyon ng dagat. Lumingon siya sa mga papungas-pungas pang mga kaibigan at napansin niyang may kulang. "Asan na yung kambal?" Tanong niya.

"Maagang gumising para daw mag-jogging eh." Sagot ni Dimitri nang maisuot nito ang salamin sa mata.

"Patay, bakit kulang tayo? Dapat kumpleto! Dapat marinig niyong lahat ang sasabihin ko." Sabi ni Jewel sa desperadong tinig.

"Bakit? Tungkol saan ba kasi ang sasabihin mo? Siguraduhin mo lang na mahalaga 'yan ha!" May halong inis na sabi ni Trevor. Nabitin kasi ang tulog niya.

"Importante ang sasabihin ko, dahil tungkol 'to sa buhay natin!" Pabulong na sabi niya. Takot si Jewel na baka marinig sila ng mga residente dito kaya naman halos pabulong lamang ang pagsasalita niya.

"Okay, S.G.C.A. as in, she's getting creepy again!" Bulong ni Bree sa mga kaibigan na sinundan ng pag-ro-roll eyes.

Nasa tabing dagat na sila. Buhangin na ang kanilang natatapakan. Lahat sila ay napayakap sa kanilang sarili dahil sa lamig na taglay ng malakas na hangin mula sa dagat.

Luminga-linga muna si Jewel sa paligid at naghanap ng pwesto na sa tingin niya ay ligtas at walang makakarinig sa kanila.

"Doon tayo." Turo niya sa may dulong bahagi ng dalampasigan at saka naglakad.

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon