Hindi makakaalis.

2.7K 56 12
                                    

"Ano, kamusta ang sasakyan?" Tanong ni Trendy sa kasintahan na tumitingin at kumakalikot sa makina ng bumanggang van.

Tumayo si Winston at lumapit naman si Trendy dito para punasan ang pawis na namumuo sa noo nito.

"Mukhang mahihirapan tayo dito. As you can see, yupi ang hood at talagang naapektuhan ang makina." Sabi ni Winston at saka tumingin sa kasintahan.

"Tatawagin ko muna sila para alam nila na mukhang mai-stock tayo sa lugar na 'to." Sabi ni Trendy at tatalikod na sana para pumasok sa bahay ng pigilan ni Winston ang braso niya dahilan para mapaharap siyang muli sa kasintahan.

Hinapit ni Winston ang bewang ni Trendy at hinila ang kasintahan palapit sa kanya.

"May nakalimutan ka ata, Bae." Sabi ni Winston at saka makahulugang ngumiti kasabay ng pagkindat.

Panandaliang nag-isip si Trendy at nang makuha ang sinasabi ng kasintahan ay tumawa ito.

"Ikaw talaga…" Sabi ni Trendy at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng kanyang kasintahan.

Bahagyang hinigit ni Trendy ang mukha ng kasintahan at sa isang iglap ay naglapat ang labi nila. Mas hinapit ni Winston ang bewang ni Trendy dahilan para mas magdikit sila.

"Eherm."

Mabilis na nagkalas sa kanilang pagkakahalik ang magkasintahan ng marinig ang tikhim na iyon. Mabilis silang tumingin sa pinanggalingan ng tikhim at nakita nila roong nakatayo ang isang may katabaang babae. Sa tantiya nila ay nasa 45 na ito dahil sa mangilan-ngilan nitong puti sa buhok.

Mabilis na naghiwalay mula sa pagkakayakap ang dalawa at nahihiyang bumati sa babae.

"Pasensya na kung naistorbo ko kayo." Medyo nahihiyang sabi ng babae. "Kayo ba ang mga taga siyudad?"

Nagkatinginan ang dalawa. Hindi sila sanay na tawaging tagasiyudad. Muli silang tumango sa babae at saka tipid na ngumiti at tumango.

Ngumiti ang babae na tila ba nagalak sa nalaman.

"Maligayang pagdating sa aming sitio. Sigurado akong magiging masaya kayo rito." Masayang sabi ng babae.

"S-salamat po." Naiilang na sabi ni Trendy.

Parang may naalala ang babae.

"Nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Susana." Nilahad nito ang kamay para makipagkamay sa dalawa. Agad namang inabot iyon ng dalawa at nakipagkamay sa masayahing babae. "Ako ang katiwala sa bahay na iyan. Tawagin niyo na lang akong Tiyang Susana."

"S-salamat po… T-tiyang Susana." Parang naiilang na sabi ni Winston saka magalang na nginitian ang babae.

"Ay, siya nga pala. Nandiyan ba si Joss sa loob? Kakausapin ko kasi siya."

"Ah opo. Tara po, sabay na tayong pumasok, tatawagin ko rin po ang mga kaibigan ko eh." Sabi ni Trendy.

"Sige." Magiliw na sabi ng babae, bumaling ito kay Winston. "Hihiramin ko muna itong kasintahan mo ha." Pagbibiro ng babae.

Tumawa si Winston. Hinawakan naman ni Trendy amg kamay ng kasintahan at saka pinisil iyon bago sumabay sa babae sa pag-akyat sa tatlong baitang na hagdan at papasok sa malaking kahoy na pinto ng bahay.

---****---

"What? WDYJS, as in, what did you just say? We're stuck here? Gosh! I thought you're a future mechanical engineer, then why can't you fix the car? Are you---"

"Stop it Bree!" Putol ni Trendy sa maarteng paghihysterical ng kaibigan.

"So, what now? Kakampihan mo ang boyfriend mo?" Maarteng sabi ni Bree. Namumula na ito at halatang naiinis na.

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon