Dear RaineDrops1,
Salamat sa pagcomment mo sa previous chapter. Natuwa ako sa 'yo dahil hindi mo binalewala ang kadramahan ko. Sana magtagal pa kayo ng boyfriend mo. Patunayan niyong may forever :))) Abay ako sa kasal ha. HAHAHA. Para sa inyo 'tong chapter na 'to.
----****----
Matapos ng pag-uusap nilang magkakaibigan ay pilit nilang pinakalma ang kanilang mga sarili. Hindi dapat makaramdam ang mga taga-sitio na may iba sa kinikilos nila. Para silang mga daga na nasa loob ng kulungan ng mga mababangis na leon. Ingat na ingat sa bawat kilos dahil isang maling galaw lamang nila ay maaari nang maging resulta ng kanilang kamatayan. Nangako rin sila sa isa't-isa na hindi magsasalita tungkol sa kanilang nalaman sa loob ng bahay. Aarte sila ng parang walang alam sa mga nangyayari sa sitio. Kikilos sila kagaya ng kilos nila noon. Kailangan nilang maging maingat dahil buhay nila ang kanilang pinuprotektahan.
"Tara na. Bumalik na tayo. Tandaan niyo. Kumilos kayo ng normal. Walang magpapahalata." Huling paalala ni Jewel sa mga kaibigan bago baybayin ang daan na may mangilan-ngilang puno ng niyog na maglalandas pabalik sa malaking bahay.
Nagpahuli si Jewel sa paglalakad. Tahimik lamang sila, animo'y nakikiramdam. Maya-maya pa ay isang kaluskos ang narinig ni Jewel. Napahinto siya sa paglalakad at mabilis na napalingon sa kanyang kanan kung saan nanggaling ang tunog na para bang naapakang tuyong dahon. Luminga-linga rin siya pero wala siyang nakitang kahit na ano. Tumingin siya sa mga kaibigang naglalakad sa unahan niya at nakita niyang parang walang narinig ang mga ito.
Mabilis na nilamon ng pangamba si Jewel. Hindi kaya may nagmamasid sa kanila?
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Paano kung may nakarinig sa pag-uusap nila?
Takot na takot siyang tumakbo at humabol sa paglalakad ng mga kaibigan habang umuusal ng panalangin na sana ay hindi tao ang may gawa ng kaluskos.
---***---
Nang makarating sa bahay ay sinubukan nilang ibalik ang dati nilang mga kilos. Mahirap man, pero kailangan.
"Oh, saan kayo galing?" Magiliw na tanong ni Aling Susan sa kanila ng makapasok sila sa bahay.
Nagkatinginan sila. Nagpapakiramdaman kung sino ang sasagot. Bahagyang napakunot ang noo ni Aling Susan.
"Ahh.. Eh. Galing po kami sa tabing-dagat… N-nagpaaraw lang." Nauutal na sagot ni Dimitri saka inayos ang kanyang salamin gamit ang bahagyang nanginginig niyang kamay.
"Opo. Ang ganda talaga ng dagat niyo dito, Aling Susan, parang kayo." Sabi ni Clarity na pilit ginagawang magiliw ang boses.
Napangiti naman si Aling Susan dahil sa sinabi ng dalaga. Nagawa nilang takpan ang tensyon na naipakita ni Dimitri. Sinisimulan na nila ang pag-arte.
"Ikaw naman, nambola ka pa." Nakangiting sabi ni Aling Susan. "O, hala. Tara na kayo sa kusina at nang makapag-almusal na kayo. Nag-ihaw ako ng masarap na karne."
Parang gustong bumaliktad ng sikmura nila ng marinig ang salitang karne pero hindi nila iyon pinakita. Sa halip ay pilit silang ngumiti at tumango.
Pinamawisan silang lahat at kahit gustuhin man nilang tumakbo ay wala silang magawa kundi sundan si Aling Susan papunta sa kusina kung saan nakahain ang inihaw na karne ng mga taga-lungsod. Mga karne na kailangan nilang kainin para hindi makahalata ang mga taga-sitio na alam na nila ang madilim na sikreto ng Sitio Lotuk. Mga karne na maaaring pag-aari ng kanilang mga kaibigan.
---***---
Mabilis na natapos sa pagkain ang lahat. Laking pasasalamat nila ng makitang may tinapay na nakahain sa lamesa, iyon ang kinain nila, dahilan para hindi nila magalaw ang karne. Para hindi magtaka si Aling Susan ay itinatago nila sa kanilang mga bulsa ang karne sa tuwing nakakalingat ito. Ayos lang na mamantsahan ang kanilang damit kesa naman sa kainin nila ang kanilang kapwa.
![](https://img.wattpad.com/cover/17116099-288-k423977.jpg)
BINABASA MO ANG
Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]
Horror"Hoc est, non ad finem. Suus 'iustus non est principium." Sabi ng taong nakaitim, puno ng dugo ang kanyang mukha. Iniangat niya ang hawak niyang tumitibok-tibok pang puso. Nilapit niya iyon sa kanyang mukha at nakapikit na inamoy iyon. "Ang alay!" N...