Ligtas nga ba?

2.5K 65 12
                                    

Kulay brown na kisame na pinakintab ng barnis ang sumalubong sa paningin ni Jewel ng imulat niya ang kanyang mga mata. Takot na takot at gulat na gulat na napabangon si Jewel mula sa pagkakahiga at mabilis na napayakap sa kanyang tuhod. Inilibot niya ang kanyang paningin at napag-alaman niyang nasa isang silid siya na gawa sa kahoy na pinakintab ng barnis ang mga gamit, pader at kasangkapan.  Ang liwanag na mula sa malaking bintana sa kanyang kaliwa ang pinanggagalingan ng natural na liwanag sa kwartong 'to.

Biglang pumasok sa ala-ala ni Jewel ang nakita niyang brutal na pangyayari kagabi. Malinaw pa niyang nakikita ang duguang babae at ganun din ang duguang mukha ng mga lalaking nakaitim. Muling tumindig ang mga balahibo niya.

"Ang mga kaibigan ko!" Naibulalas niya ng maalala ang mga walang malay niyang kaibigan na naiwan sa bumangga nilang van.

Nagmamadali siyang umalis sa kama at tumakbo sa nakasarang pinto. Aalis siya at babalikan ang mga kaibigan niya! Pipihitin na sana niya ang seradura ng pinto ng biglang bumukas iyon at tumambad sa kanyang harapan si Dimitri.

Pakiramdam ni Jewel ay tumalon ang puso niya sa sobrang tuwa ng makita ang kaibigan.

"D-dimitri!" Sabi niya at mabilis na niyakap ang kaibigan.

"A-anong… Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Dimitri habang nag-aalangang iniyakap din ang mga braso niya kay Jewel.

"Mabuti ligtas ka! Akala ko may masama nang nangyari sa inyo!" Umiiyak na sabi ni Jewel habang mahigpit na niyayakap si Dimitri.

"O-oo, ligtas naman kami…" Nagtatakang sabi ni Dimitri.

Nagkalas sila sa pagkakayakap.

"Nasaan tayo? Nasaan na yung mga taong nakaitim? Nasaan na yung babae?" Natataranta at sunod-sunod na tanong ni Jewel habang patuloy ang pagbagsak ng luha at hinihigit ang manggas ng damit ni Dimitri.

"Nasa isang sitio tayo." Sagot ni Dimitri. "A-anong mga taong nakaitim at babae yung sinasabi mo?" Nag-aalalang tanong ni Dimitri.

"Yung mga taong nakatim… Yung… Tapos yung babae… Nasa kawayan siya… Tapos yung mga nakaitim--"

"Jewel… Jewel! Kumalma ka muna." Pag-aawat ni Dimitri sa sinasabi ni Jewel.

Huminga muna ng malalim si Jewel at saka pinahiran ang luha.

"Nung nagkamalay kami ay nakita ka naming walang malay sa may bungad ng van--"

"Bungad ng van? Doon niyo ako nakitang walang malay?" Takang tanong ni Jewel.

"Oo, basang-basa ka nga sa ulan tapos--"

"Paanong nangyari yun? Ang natatandaan ko pumasok ako sa niyogan… Tapos… tapos may nakita akong mga taong nakaitim. Nakakatakot sila! May mga binabanggit silang salita na hindi ko maintindihan! Tapos may babae. Kinuha nila yung puso nung babae tapos… Tapos yung dugo… Sinahod nila yung dugo at pinahid sa mukha nila--"

"Jewel--"

"Totoo ang sinasabi ko! Maniwala ka! Paalis na ako ng makita nila ako tapos ang huli kong naaalala ay nawalan na ako ng malay! Maniwala ka! Totoo ang sinasabi ko--"

"Jewel… Nung nakita ka naming walang malay, mataas ang lagnat mo. Hallucination mo lang ang lahat… Walang taong nakaitim… Walang babaeng pinat--"

"Meron! Kitang-kita ng mga mata ko!"

"Mabuti pa, kalimutan na natin yan. Bumaba na tayo at kumain, hinihintay na nila tayo sa baba."

"Maniwala ka! Totoo ang sinasabi ko Dimitri. Natatakot ako… Natatakot ako--"

"Sssh!" Pag-aalo ni Dimitri at niyakap si Jewel. "Wag ka nang matakot… Nandito ako. Hindi kita papabayaan. Poprotektahan kita kahit anong mangyari. Kahit pa manganib ang buhay ko, hindi ako magdadalawang-isip na protektahan ka."

"D-dimitri…" Yan lang ang nasabi ni Jewel. Nablangko ang utak niya dahil sa sinabi ng kaibigan.

Kumalas ito sa pagkakayakap at inakbayan siya.

"Tara na. Kumain na tayo." Aya nito.

Tumango si Jewel at nagsimula na silang maglakad papunta sa hagdan.

"Dimitri…" mahinang tawag ni Jewel habang nakayuko. Naglalakad sila habang nakaakbay sa kanya si Dimitri.

"Hmmm?"

"S-salamat."

"Psh, walang anuman yun." Nakangiting sabi ni Dimitri at ginulo ang buhok ni Jewel.

---***---

"Oh, gising ka na pala Jewel." Bungad ni Jersey ng makita ang pagpasok nina Dimitri at Jewel sa silid kainan.

Ngumiti lang si Jewel at dumiretso na sa bakanteng upuan.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Trendy kay Jewel nang makaupo na ito.

"Ayos naman. Medyo masakit lang yung batok ko." Sagot ni Jewel. "Asan nga pala yung van?"

"Nasa labas. Titingnan namin mamaya kung kaya pang ayusin. Kapag naayos namin, aalis na rin tayo mamaya." Sagot ni Trevor bago sumubo ng kanin.

Napatingin si Jewel sa lamesa at nakita niyang ang daming pagkain.

"Saan galing 'tong mga pagkain at saka kaninong bahay 'to? Nasaan tayo?" Nagtatakang tanong ni Jewel.

"Nilagnat at nahimatay ka lang naging palatanong ka na! Just eat!" Iritableng sabi ni Lavander at umirap.

Ibubuka pa lang sana ni Jewel ang bibig para sumagot nang biglang may magsalita sa may pinto ng silid kainan.

"Kamusta?"

Napalingon silang lahat.

"Oh, andito ka na pala pare! Tara, saluhan mo kami pre." Masayang aya ni Trevor.

"Sino siya?" Bulong ni Jewel.

"Gising ka na pala." Sabi ng lalaki. Inilahad nito ang kamay kay Jewel. "Anong pangalan mo?"

Nahihiyang inabot ni Jewel ang kamay niya sa lalaki.

"Ako si Jewel." Nahihiyang sabi ni Jewel at saka ngumiti.

"Nice name." Sabi ng lalaki at ngumiti din.

Nagkatinginan silang dalawa nang parang may pumasok na pangyayari sa isip ni Jewel kung saan nakikita niya ang isang punyal na may kakaibang disenyo.

"Ehem!" Malakas na pagtikhim ni Jersey dahilan para maghiwalay ang kamay nila at mawala ang pangitain ni Jewel.

Pinulupot ni Lavander ang braso niya sa braso ng lalaki.

"Dito ka na sa tabi ko maupo para…" Binaba ni Lavander ang tingin sa may pantalon ng lalaki at saka pilyang ngumiti. "Masubuan mo ako."

"Flirt!" Bulong ni Clarity.

"Inggit ka lang!" Malanding sabi ni Lavander at saka umirap.

Natawa ang lalaki at saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Lavander.

Tumahimik ang paligid dahil nagsimula na silang kumain ng magsalitang muli si Jewel.

"Salamat sa pagpapatuloy sa amin dito. Hmmm, ano nga palang pangalan mo? At saka anong lugar 'to?"

Tumingin sa kanya ang lalaki. Makahulugan itong ngumiti.

"Kayo ay narito sa Sitio Lotuk at…" Nilibot nito ang tingin sa aming lahat bago sumagot. "Ako nga pala si Joss."

…to be continued
 

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon