CHAPTER 1

44 5 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Dumating na rin sa wakas ang araw na ito!


Tinignan ko muna ang buong kabuuan ng silid kong ito, pagkuwan ay huminga na muna ako ng pagkalalim-lalim pagkuwan ay pinasya ko ng lumabas mula sa loob ng aking silid sa wakas.


This is it, Daila..... Wala na talagang atrasan pa ito!


Anas ko sa isip ko.


Suot ang isang puting bestida at ang gintong palamuti saaking hindi pangkaraniwang kulay ng buhok ay isang malawak na ngiti ang nakapaskil saaking mga labi ng tuluyan na akong lumabas mula sa loob ng aking silid.


Paglabas ko ay naghihintay pala saakin sa may bungad ng pintuan ko ang pamilya ko.


Mukhang kanina pa nila inaantay ang paglabas ko.


"Talaga bang desidido kanang gawin ito Daila?" Iyon kaagad ang bungad na tanong saakin ng kaisa-isang kapatid ko na si Kuya Hyres.


Base sa reaksyon ng mukha nito ay para bang hindi parin ito kumbinsido sa desisyon na ginawa ko.


Kunsabagay.


Simula't sapol naman talaga na malaman nito na mag o-orakulo ako ay ito talaga ang kauna-unahang tumutol sa desisyon ko na iyon.


"Hay naku Kuya Hyres! Pang ilang libong tanong na ba yan ha?" Tanong ko dito pagkuwan ay hindi ko napigilang hindi matawa.


Kaya maskina na sila Ama at Ina, pati narin ang asawa nitong si Ate Karina ay nahawa na rin sa pagtawa ko.


Habang narinig ko namang bumuntong hininga ng malalim si Kuya Hyres.


"Sige lang at daanin ninyo ako sa pagtawa ninyong yan!" Pagkuwan ay sabi ni Kuya Hyres na tila ba nagtampo pa yata.


"Hay naku Hyres! Tumigil ka nanga kase sa pangongontrabida mo sa kapatid mo! Let her go!" Nangingiting sabi dito ng asawa niyang si Ate Karina.


"Hindi naman sa nangongontrabida ako sa desisyon ni Daila, Karina. Ang saakin lang naman kase.... Baka masayang lang ang buhay niya sa pinili niyang landas na maging isang orakulo." Concern na sabi nito sabay tingin saakin ng diretso. "Hindi mo naman kase kailangang sundan ang yapak ng mga ninuno natin, porket taglay mo rin ang kakayahan nila. Tignan mo si Ina, kahit taglay pa niya ang kakayahan na makakita ng mga pangitain mula sa mga bituin ay mas pinili niyang tahakin ang ibang landas." Medyo mahabang dugtong na sabi pa nito.


Kaya naman naging seryoso na kaming lahat dito dahil sa sinabi nito.


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon