CHAPTER 10

10 7 2
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Lady Daila! Lady Daila! Lady Daila! Naku Lady Daila!" Natatarantang tawag saakin ni Irizandy.


Kaya naman parang nasira tuloy ang magandang atmosphere sa paligid sa pagdating nito.


Kasalukuyan pa naman akong nag e-enjoy sa pagpapakain ng mga isda sa may fish pond ng humahangos itong dumating dito na tila ba hinahabol ito ng sampung diyablo!


Ano nanaman kaya ang problema?!


Ngayon palang ay naiinis na ako sa kung ano man ang sadya saakin ni Irizandy.


For sure kaya pumunta si Irizandy dito ay para sabihing dumating na yung mga bagong batch ng wedding dress ko! Hay pambihira! Kailan ba titigil si Draken sa kakabili ng mga wedding dress?! Baka naman kahit sa araw ng kasal namin ay bumili pa ito ulit?! Hay!


Nababanas na sabi ko sa isip.


"What is it Irizandy?! Bakit ba humahangos ka diyan ha? Aba'y daig mo pa ang pusang di mapaanak sa pagtawag saakin! Ano ba ang problema ha?!" Nakakunot ang noo na bungad ko dito.


"K-Kase.... Lady Daila...." Tumigil ito para habulin ang paghinga nito.


Hingal na hingal kase ito sa ginawa nitong pagtakbo.


"Hay naku! Tignan mo nga ang sarili mo Irizandy! Ganyan ba ka-importante ang sadya mo saakin para lang mag marathon ka sa kakatakbo para lang mapuntahan ako dito?" Di ko tuloy napigilang matawa ng bahagya sa harap nito. "Anyway, tungkol nanaman ba yan sa wedding dress ko? May dumating ba ulit na bago?" Dugtong ko.


Nagtaka ako ng makita kong umiling ng sunod-sunod si Irizandy sa harap ko.


"H-Hindi po ang wedding dress ninyo ang dumating, Lady Daila. Kundi sino ang dumating dito sa palasyo!" Bahagyang may hingal na lang na sabi nito.


Doon na tuluyang nakuha ni Irizandy ang atensyon ko.


"Ay susmio! Kung ganoon sabihin mo na saakin ngayon kung sino ang dumating dito?!" Bulalas na tanong ko dito.


Pambihira talaga ang damaja ko na ito!


Himbes na sabihin na lang nito saakin kaagad kung sino ba yung dumating dito eh, kung anu anong palatastasan pa ang ginagawa nito!


"Si.... Queen Valeska po ang du-dumating dito, Lady Daila!" Pagkuwan ay bulalas ding sagot nito sa tanong ko.


Natigilan ako bigla sa narinig ko.


"Dumating po siya kanina, at hanggang ngayon po ay nandyan parin siya at kausap parin po niya ngayon si Prince Draken!" Dugtong pa nito ng hindi ako mag salita.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon